Wednesday, August 1, 2012

Top 5 Gwapito sa Gobyerno



Isa nga bang maituturing na "X-Factor" ang looks pagdating sa gobyerno? O kaya naman nakakadagdag nga ba ng tiwala ng tao ang pagiging gwapo? Sa Senado, sa Kongreso, sa Korte Suprema, sa isang Kagawaran maging sa isang bayan at kahit nga barangay may mga makikita tayong opisyal ng Bayan na hindi naman papahuli pag dating sa pagwapuhan. Kaya naman, naisip kong pumili ng TOP 5 GWAPITO SA GOBYERNO. hahaha

Top 5

Senator Allan Peter S. Cayetano


sa edad na 41 madami na siyang napatunayan bilang isang Pilipino. Naging Councilor, Vice Mayor, Congressman at ngayon Senador ano pa kaya ang mga plano niya sa buhay? Isa rin siyang butihing asawa ng ngayo'y Mayor ng Taguig na si Mayor Lanie Cayetano. 


Top 4


Senator Antonio Trillanes


Isa namang dating sundalo at ngayo'y isa ring Senador ng ating bansa si Sen. Trillanes, nakilala siya ng pamunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa Administrasyong Arroyo kasama ang iba pang mga sundalo. At sa August 06 ay mag diriwang naman ng ika-41st Birthday si Senador. Sa tingin niyo halata bang 40 plus na ang edad niya? Pang Action star ang peg diba? Haha


Top 3

Senator Francis Joseph Escudero


Isa nanamang Senador ang nasa listahan ko. Hahaha Oh diba mapapasay-Chiz ka talaga sa ngiti ni Senador Chiz na ngayon ay hindi lang Senador nag-uumpisa na din ang career niya bilang Endorser at TV host. Eh ikaw na ang maging kahawig ni Bamboo! Artistahin diba? Hahaha Alam niyo ba 42 years old na si Senator Chiz? Hindi din halata diba?

Top 2

Atty. Jose Midas Marquez


Kung ayaw niyo na ng Sendor eto naman tayo sa isang Supreme Court Spokesman at Court Administrator. Nakilala siya ng lumabas ang issue tungkol sa dating Cj Corona at ngayon ay nakikilala na rin sa kanyang larangan.


and now... my Top 1.... Sino siya???
Actually Birthday niya ngayon? Kaya babatiin ko na siya muna ng isang "HAPPY BIRTHDAY SEC. JOEL VILLANUEVA" ng TESDA.



photo from PEP.ph during SONA

Oh Diba! Pang Koreanovela ang dating? Isang dating Basketball player nung siya'y nasa UST, isa ring Chairman ng Youth Movement na "Kristiyanong Kabataan para sa Bayan", naging 3-time Congressman ng CIBAC partylist, tinawag na "Benjamin of the House" sa pagiging pinakabatang naging Congressman, at ngayon ay pinakabatang Cabinet Secretary ng TESDA na siya namang laging pinapapurihan ng ating Pangulong Noynoy Aquino. At sabi ko nga kanina ika-37th Birthday ngayon ni Sec. Joel kaya naman maari nating siyang batiin sa kanyang twitter account: @secjoelv


Bati na! Ngayon, diba hindi lang sila basta gwapo? May mga napatunayan at papatunayan pa sila. Kaya bilang Pilipino tayo'y makialam at magmatyag kung sino ba talaga ang tunay na nagsisilbi sa bayan.
Kayo? Sino ang Top 5 Gwapito sa Gobyerno niyo?













"When the godly are in authority, the people rejoice. But when the wicked are in power, they groan."
(Proverbs 29:2)