Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

"Hi ate Jai!  
Huhuhuhu. May tanong ako and I need your answer ASAP.
Nabasa ko po kasi mga blogs mo. 
 
Ganito po kasi yun ate. I'm in a relationship ngayon and it is so complicated.
May boyfriend po kasi ako, tapos nahuli ko na may girlfriend pa siyang isa. :( at nung pinapili ko siya that time mas pinili niya yung girl. :( eh sobrang sakit kasi love na love ko siya. tapos last week lang yun nangyari nung may program kami sa school. tapos kanina lang nagtext siya. wala na daw sila nung girl at mas mahal daw po niya ako. Ate Jai, love ko pa po talaga siya kaso ayaw na po ng parents ko at friends ko sa kanya. Ano po gagawin ko? Bibigyan ko pa po ba siya ng chance? Salamat ate Jai.
 
(Ate wag mo sabihin pangalan ko ha. Thanks po ate.)"
                                                                                                - Sweet 16



 WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
At gusto ko talaga sumigaw sa tanong na toh. Eksaherada na kung eksaherada pero ang sagot ko ay malaking "NO". Tapos ang usapan. hahahaha. haaayyyy bata ka!

Anyway, baka naman isipin mo walang dahilan ang sagot ko. I'll give you 100 reasons sana why hindi pero for now i'll ge you three main reasons bakit "NO".

#1. Too young, Too emotional. Yung ganyang feeling kasi ay base lang sa emotions mo. We live in a world na nagbebase lagi sa damdamin. Imbes na wisdom ang pairalin, emotions ang sinusunod. Bakit? Kasi our emotions easily gets us excited. Katulad sayo. Tinext ka lang na wala na sila nung girl na ipinagpalit sayo tumibok nanaman agad ang puso mo. You need to guard your heart kasi it may deceive you. Kaya bago ka magdecide o ma-excite o bago tumibok tibok, tumambling tumbling, at maglulumundag yang puso mo you need stop first. Think. Breath in, Breath out. Mag isip ulit kung ang magiging decision mo ba ay based sa emotions o sa wisdom na bigay ng Lord. 

#2. Both of you are not ready to enter marriage. Ooopps. Baka magreact ka. Bakit may "marriage ate?". Agad agad? Haha. Kapatid, hindi ibig sabihin nun eh magpapakasal ka na agad. What I mean is wala pa kayo sa tamang pag iisip para pumasok sa isang relationship. You are not that mature enough to face the pros and cons of relationships. Napakahalaga ng maturity sa isang relationship. Kasi kung matured na kayong pareho hindi papasok ang unfaithfulness sa relationship niyo. Magiging loyal kayo sa isat-isa at mamahalin niyo ang isat-isa unconditionally. 

#3. Both of you doesn't know how to love. Love is the most used word today yet a lot of us does not fully know the meaning of it. We consider 1 Corinthians 13:4-8 as a definiton of LOVE: 
“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not 
self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but 
rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails….”  
and it really is an amazing definition of love. So don't desire for a love that is out of God's perspective. Do not allow yourself to be bounded, blinded and hindered by seeking the wrong kind of love. 

Isa pa, consider this. Babalikan ka niya kasi break na sila nung ipinagpalit sayo. What if hindi sila nagbreak? Hindi ka niya babalikan? Don't allow him to manipulate you or use you. You are worth to be love. Hindi ka ginawa ng Diyos para loko-lokohin, paikot-ikutin at paglaruan. At pag nasasaktan ka lagi mong iisipin mas unang nasasaktan ang Diyos kasi anak ka niya. God loves you so much that He gave up even His Son Jesus Christ to save you and heal your broken heart. Wait for the perfect Man not a special boy. 

And this, I will leave you. Establish a constant relationship to God first bago ka mag-establish ng relationship sa iba. If you put God first you will understand fully the meaning of love. Then, you will learn how to love like God does. True love is worth finding. : )


That's all Sweet 16! I hope and pray nasagot ko ang tanong mo ASAP. hehehe
Let God be your guide. 

Loving,











"This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning 
sacrifice for our sins."
(1 John 4:10)

Comments

  1. Basta ang masasabqi ko lang "Love is not just an emotion, it is also a commitment." When we love we have to commit na siya lang ang mamahalin, dahil kung hindi marami tayong makikita na mas okay pa sa kanya. :)
    And sa Marriage hindi lang basta emosyaon at commitment, dapat praktikalan din hehe.

    Ito'y sa aking paningin lang naman :)
    <3

    ReplyDelete
  2. makapag tanong nga rin sa'yo wahahaha
    Paano kapag...


    Nanligaw si Jericho? Anong gagawin ko?


    Wahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA.. Depende kung sinong Jericho yun. haha.
      Jericho Rosales ba? Eh taken na yun! hahaha

      Delete
  3. Nice.. very scriptural. Actually infatuation lang naman ang nararamdaman nung dalawa sa isa't-isa eh.. Learn from the Lord. Love never fails.
    Before a girl magsabi ng 'Yes' o ang guy lumigaw dapat assured na love nga.. kasi pag infatuation lang yan malamang meron't-merong iiyak..
    And let God be the center of the relationship para my support from the Lord... kasi pag wala, it will fail in the end. ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! based on experience din ba yan? hahaha :D

      Delete
    2. Pwedeng 'OO' pwedeng 'hindi'... basta 2 lang ang ginawa ng Diyos.. 1 Adan at 1 Eba.. hindi 1 Adan at maraming Eba... O maraming Adan at iisang Eba. Haba naman ng hair ng Ebang yan kung ganun nga... hahahaha

      Delete
    3. Hahahaha.. may pinaghuhugutan ka Mr. Anonymous? parang kilala kita. :D

      Delete
    4. hahahaha.. really??:D then sige nga hulaan mo ko.. pero tama naman sinasabi ko diba Ms. Jireh??

      Delete
  4. wag mo na pagbigyan!!! yan ang sagot ko! (with feelings)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bebe Cindy! :p May pinaghuhugutan ang "with feelings"?? hahaha :D

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Ang Tanong: Anong gagawin ko kapag nasasaktan na ako sa sinasabi nila?