Ang tanong: "Okay lang bang mahalin ko ang Bestfriend ko?"

Kakaibang blog naman ang mababasa niyo sa araw na to. Susubukan ng powers ko nasagutin ang ilang katanungan ng ilang umiibig, nais umibig o kaya nama’y umibig na. In short, lovelife ang pag-uusapan natin ngayon. Mula sa aking twitter account na ( @jhairaV ) may isang babaeng nag-dm sa akin ng isang katanungan. Nagulat ako na tinanong niya tong bagay na to sakin. Bakit? Una, hindi ko akalaing hirap siya sa ganitong aspeto. Pangalawa, hindi ako karapatdapat bigyan siya ng isang advise o kahit sagot. Hahaha. At huli sa lahat, ayoko ng tanong. Hahahaha Bakit? Kasi parang napagdaanan ko na yung sitwasyon. Hahahaha Bahala na nga! Susubukan ko na lang sagutin ito ng may ngiti sa mga labi. : ) Itago muna natin siya sa pangalang Ana. Ang paliwanag ni Ana: “Ganito kasi yun.Simula sa children ministry magkaibigan na talaga kami. Hanggang sa naging youth, kami parin ang laging magkasama. At ngayon na Young-Adult na kami, hindi pa rin yun nagbago. Kahit nga mga school na pinasuka...