"Ang Tanong: Tumatanda na ako pero single parin ako. Anong dapat kong gawin?"

Salamat at medyo nalilihis na ang tanong na natatanggap ko sa "love-bestfriend-fever" hahaha at may tawag talaga ako no? Anyway, may natanggap akong isang tanong mula sa isang kaibigan.. Tara't basahin natin. : ) "Hi Jai! May gusto lang akong itanong. Kasi alam mo naman ang sitwasyon ko. I'm 28 years old now, stable naman na at talagang nag-lolong ako na magkaroon na ng lovelife. Ano ba dapat na gawin ko? Minsan kasi hindi ko alam kung choosy lang ba talaga ako o wala talagang na-aattract sakin. Wag mo i-share kung sino ako ha. Baka matawa sila. Hahaha. Thanks!" -Ms. WannaLove (Natawa ako sa screen name niya. hahaha at siya ang pumili niyan) Bago ko sagutin, nagpapasalamat muna ako sa mga tumatangkilik na bumasa at magtanong. Hindi naman po ako super galing sumagot pero dahil sa ganito, ako mismo ay natututo. Hindi rin naman po ako "Love Expert" pero gusto ko lang talaga mag-mahal at ipalagan...