Ang Tanong: Kailangan pa bang ipagpatuloy ang friendship o i-let go na?"
Isa muling katanungan mula sa isang concern citizen.. haha
Ang kanyang paliwanag...
"TAKENOTE* hndi po ito hango sa aking Buhay ako ay napagtanungan dn lamang (NAGPAPALIWANAG) HAHAHA
Hello ate jai(NahihiyaEffect) hahaha. Ako po ay naudyok na magtanong nang Simple,Mababaw, oh di ko alam ang Kadahilanan ng Isang Kapatid Sa Panginoon itago nlang ntin sya sa Pangalang Jac (boy)(pinagisipanKoPaYan) hahaha :)) Sya po ay Humingi nang Advice 2 Linggo na ang nakakalipas tungkol sa kanyang Bestfriend at itago nlang ntin sa pangalang Irish(Girl).
Kwento* Una si Jac po ay naglabas ng Hinanakit sa akin tungkol sa kanyang bestfriend na si Irish sa kadahilanang Wala daw Time sa kanya si Irish.
Jellyn: Usually naman po diba ate jai pag mag bestfriend kayo dpat may Oras dn minsan para kamustahin ang bawat isa?? Tama po ba?
Anyway BacksaKwento* Si Jac ay nag hahanap nang Care sa kanyang Bestfriend kase minsan daw wla man lang ni "Hi ni Ho" syang ntatangap mula kay Irish. Then ate jai Kahit isang teks wala dn minsan nagteteks daw pero para pag usapan ung Crush ni Irish at yun lamang. Sabi ni Jac sakin Napapagod na daw sya kay Irish lagi lng dw gnun ang Pinaguusapan at Pag may nahanap na daw syang bagong Bestfriend. Iiwan nya na daw si Irish bilang bestfriend.
At ako ay nagtanung
Jellyn: may Feelings ka ba sa kanya jac?
Jac: walang Imik.
ANG TANONG NYA SAKIN ATE JAI*
1. Dapat pa daw ba na ipagpatuloy ung Friendship nila oh I Let Go na nya?
2.Ano daw ba ung Ganitong Feeling na naghahanap lng sya nang Care at Pansin sa Bestfriend nya?
Ayan lamang po ang Tanong nang aking Kapatid sa Panginoon :)))
Ang aking sagot...
Una, alam ba ni Irish na mag
bestfriend sila? O si Jac lang ang nakakaalam?
Pangalawa, if ever alam ni Irish
na magbestfriend sila, sa panahon kasi ngayon. Lalo na sa mga kabataan, (akala
mo di pa ako kabataan.haha) nagiging mababaw na ang ibig sabihin ng “bestfried”
(teka. puro bestfriend talaga ang usapan?. haaay.. hahaha). Trending ngayon ang pagkakaroon ng mga pet names. What I mean
is madaming nabubuong tawagan tulad ng, Bez, Bebe, Pillows, Master, Babe, Hon,
Love, Cupcake, Sugar, Sweet, Diabetes hahahaha, at kung ano ano pa. Suggestion
lang po mga kapatid, at lagi ko pong sinasabihan ang mga KKBs sa amin ng ganito
“tigilan ang pagtatawagan ng pet name lalo na sa opposite sex niyo.” Bakit?
Tulad ng sitwasyon ni Irish at Jac, maaring may madevelop, hindi man sayo, pero
sa katawagan mo. Maaari kayong ma mislead nito. Kung ginagawa niyo to para
maki-uso o maging in o maging cool… Sabi nga ni Francis Kong “Kung gusto mong
maging cool, buy a cooler.” May kanya kanya naman tayong pangalan na nasa birth certificate. Yun na lang gamitin natin. :p
Ikatlo, sa tanong mong “Dapat pa daw ba na ipagpatuloy ung Friendship nila oh I Let
Go na nya?.” Bakit niya i-let go? Dahil hindi siya madalas matext? Dahil
hindi masuklian ang attension na ibinibigay niya? Dahil hindi siya kayang
mahalin ng bestfriend niya? Pag ikaw ay nagbibigay, ng kahit ano, atensyon man
ito, pang unawa o pagmamahal, never ever ask for something in return or never
hope for something in return. Kasi kusa tayong nagbibigay at nagmamahal. Lagi
ko ngang sinasabi, choice natin yun. Kaya dapat natin tong gawin gaya ng
ginagawa ng Diyos sa atin. minahal Niya tayo kahit alam niyang hindi tayo
karapatdapat at alam Niyang hindi natin kayang tumbasan ang pagmamahal na kaya
Niyang ibigay sa atin. Pero kung hindi na nagiging healthy for you ang friendship niyo. At masyado kang nagagambala ng mga nangyayari sayo at na-out-of-focus ka na, then you should let go.
Ika-apat, sa tanong mong “Ano daw ba ung
Ganitong Feeling na naghahanap lang sya nang Care at Pansin sa Bestfriend nya?”
Normal lang naman na maghanap ka ng care
at pansin sa bestfriend mo. Lalo na kong dati ay close nga kayo. Pero maaring
si Irish (bestfriend mo), ay napapansin na nasumosobra na ang pag care mo sa
kanya. Marahil ay gusto niyang magbigay ng space sa inyong dalawa kasi ayaw
niyang bigyan ng ibang meaning ang pagkakaibigan niyo. Inshort, pure friendship
ang gusto niya. Isa pa, sabi mo nga puro crush niya ang lagi niyong pinag
uusapan at naiinis at napapagod ka sa ganung set up niyo. Maaaring gusto niyang
i-share sayo ito dahil bestfriend ka nga niya. Kung ano yung ikinasasaya niya ay
nais niyang ibahagi sayo. At normal yun sa pagiging magkakaibigan.
Huling point ko, Proverbs 17:17 A friend loves at all times… ibig sabihin lagi. Bawat Segundo, bawat minuto at bawat
oras. Hindi man nila ito masukliaan kasi sabi din sa 1 Corinthians 16:14 “Do
everything in love.”
Ang aking payo…
To Jac:
Learn how Jesus loves. Kung mahal mo talaga si Irish or may pag tingin ka sa kanya. Pray for it and ask God kung ano ba ang kalooban Niya sayo. Read the bible and
focus on something more important. Focus your eyes on Jesus. Hindi mo dapat pinoproblema ang mga ganitong bagay
lalo na’t nag aaral ka pa lang. Express also your love to your family. And also, I
want to encourage you to make friends and bestfriends sa kapwa mo lalaki. They
will understand you better than a girl best friend. Lastly, pray… Pray to God
na matutunan mong magmahal gaya Niya at mahalin ang Diyos mismo. Show your love
to God and I assure you magiging masaya ka sa piling Niya.
Yun lang po.. :)
To Jellyn: Thanks for sharing your friend's questions.. God bless you kapatid.
:)
To Jellyn: Thanks for sharing your friend's questions.. God bless you kapatid.
:)
Comments
Post a Comment