"Ang Tanong: Tumatanda na ako pero single parin ako. Anong dapat kong gawin?"

Salamat at medyo nalilihis na ang tanong na natatanggap ko sa "love-bestfriend-fever" hahaha at may tawag talaga ako no? Anyway, may natanggap akong isang tanong mula sa isang kaibigan.. Tara't basahin natin. : )

"Hi Jai! May gusto lang akong itanong. Kasi alam mo naman ang sitwasyon ko. I'm 28 years old now, stable naman na at talagang nag-lolong ako na magkaroon na ng lovelife. Ano ba dapat na gawin ko? Minsan kasi hindi ko alam kung choosy lang ba talaga ako o wala talagang na-aattract sakin. 
Wag mo i-share kung sino ako ha. Baka matawa sila. Hahaha. Thanks!"
                   -Ms. WannaLove

(Natawa ako sa screen name niya. hahaha at siya ang pumili niyan)



Bago ko sagutin, nagpapasalamat muna ako sa mga tumatangkilik na bumasa at magtanong. Hindi naman po ako super galing sumagot pero dahil sa ganito, ako mismo ay natututo. Hindi rin naman po ako "Love Expert" pero gusto ko lang talaga mag-mahal at ipalaganap ang tunay na pagmamahal. Yun lang po.


Hi Ms. WannaLove! Salamat po sa pagtatanong at pagtitiwala. Haha

Unang punto, 28 years old ka po? Bata ka pa po compare sa mga kilala kong single pero mukha naman po silang masaya at satisfied sa kalagayan nila ngayon. Alam niyo po kung bakit?

Kasi....

Hindi love life lang o relationship sa opposite sex ang nakakapagpasaya sa kanila. Kundi ang love ng Lord. 

And...

yes, may mga pagkakataon din na naglo-long sila ng love (at normal lang naman yun) pero ang mahalaga eh satisfied sila sa love ng Panginoon.

What you can do?

First, learn to wait patiently. May mga pagkakataong akala natin ready na tayo tanggapin o harapin ang mga bagay bagay dahil ang alam natin we are matured enough. Pero hindi sa edad nakikita ang maturity. Kaya dapat matuto tayong maghintay ng may pagtitiwala.And remember this, once nakita ng Lord na you've been faithful to him habang naghihintay, walang dahilan para hindi Niya ibigay ang panalangin natin. Hindi ka pinaghintay ng Panginoon para sa wala. Kailangan lang ay magtiwala ka.

Second, follow up to God your prayers constantly. Do you know why David is said to be a man after God's own heart? Kasi sa sobrang pagmamahal niya sa Panginoon, hindi niya nakalimutang kausapin ang Diyos. (Psalms 5:3 "In the morning, Oh Lord, you hear my voice; in the morning I lay my requests before you and wait in expectation.") (Psalms 88:1 "O Lord, the God who saves me, day and night I cry out before you.") Ibig sabihin nito, umaga man o gabi nagdadasal si king David. Kinukulit niya ang Panginoon hanggang sa sagutin siya ng Panginoon. I remember one time, may prayer talaga ako kay Lord na sobrang kailangan ko ng kasagutan. And I did the same. I prayed and prayed and cried and prayed hanggang sa sagutin ng Lord ang prayers ko, and I  am really blessed kasi sinagot ng Lord. It may not be the answer that I want pero yun ang tamang sagot ng Diyos. At lagi naman siyang tama. :) That strategy worked for King David and me and I know sa iyo rin. Pray to God constantly.

Third, enjoy your singleness. Maraming "In a relationship" sa panahon ngayon ang naghihiwalay sa isang kadahilanan. "Gusto nilang maging malaya." Hindi puro saya ang dulot ng relationship. Minsan tama rin ang nasa telenobela na may mga "kontra-bida" talaga sa buhay. Hindi maiiwasan na maging si partner ang maging kontra-bida lalo na kung minadali ang relasyon at kung hindi ito naaayon sa kalooban ng Panginoon. Napapagod sila na magmahal at minsan sasabihin nila. "Sana single nalang ako" ayan ang mga regrets nila. Na hindi tama. Kaya habang single ka, siya, ako o tayo. Lubos lubusin na natin. Gamitin natin ang pagka-single natin para mahalin ang Panginoon. Para darating ang araw, sasabihin ng Diyos satin: "Nilubos lubos mo na ang pagiging single mo. Oh, eto na siya. Para mabuhay ka naman ng may kasama." Oh diba ang sweet nun?

Lastly, never ever let your desperation for love make you compromise your standards. Naipost ko ngang status dati sa FB ito: "What does it profit a woman to gain a man and lose her soul?" The answer is NONE. Hindi dapat natin idahilan na wala na tayong choice kaya okay ng siya na lang. Hindi din dapat nating gawin dahilan na baka wala ng lumapit kaya okay lang na siya na lang. Remember again: Hindi tayo pinaghintay ng Diyos para sa wala. Dapat maging aware tayo na napakaganda ng plano ng Diyos sa atin. Remind yourself that God is the a perfect God. Hindi dahil si Mr. Available ang nanjan para sayo, siya na ang kalooban ng Diyos. Sabi nga sa Proverbs 27:7 "...but to the hungry even what is bitter tastes sweet." Kaya dapat tayong mag ingat at mag-focus sa plano ng Diyos. 

Last reminder: Hangga't hindi pa dumadating ang Diyos, may pag-asa pa. Bigyan mo muna ng halaga ang Lover of your soul . Relationships may come and go, all things may pass away pero hangga't hindi pa dumarating ang Diyos, hindi pa Game Over! : )



Yun lang po,
Jai po. nagmamahal parin,

















"Keep yourselves in God's love as you wait for the mercy of our Lord Jesus Christ to bring you to eternal life."
(Jude 1:21)







Comments

  1. "What does it profit a woman to gain a man and lose her soul?" --I like this one :) Naalala ko yung sabi ni Ptr. Ed Lapiz sa book nya, ang ibang nananalangin, kung matagal na't wala pa rin si Mr./Ms. Right, ok na kahit si Mr./Ms. Right Now nalang, hehehe.

    Kahit nga yung mga nasa tamang edad na eh hindi pa rin matured pagdating sa paghandle ng relationships. That's why it's so important to know FIRST intimacy with God :) God bless jireh :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Gray! :)
      Kaya nga dapat maghintay tayo ng may buong pagtitiwala. Mahalin muna si Lord bago magmahal ng kapwa.

      God bless u more. Thanks for reading. :)

      Delete
  2. Bakit kasi ayaw mo pa ako sagutin Jai para hindi ka tumandang dalaga. :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)