Ang Tanong: “Mahal na nga ba niya o bugso lang ng damdamin?”
Mga kaibigan, may follow-up question po tayong natanggap na nangangailangan ulit ng kasagutan. :)
Ang tanong…
“Siguro kasi unusual yung babae ang mag tatapat ng nararamdaman niya. (opinion lang)”
“What if Vice versa? Lalaki naman ang magmamahal sa bestfriend niyang babae and beyond love as a brother/ friend, anu ang dapat na hakbang para malaman na totoo ba ito or bugso lang nag damdamin. hahahah sana po kayanin ng powers niyo. God bless po, keep on blogging ate Jai!”--JOSES
Unang punto…
Bilang
lumaking Pinay, hindi talaga normal na babae ang magtatapat ng kanilang
nararamdaman sa kailang iniibig. Kinalakihan na natin ang mentalidad ng pagiging
“dalagang Pilipina”. Yung mahinhin, di makabasag pinggan, conservative at
mahiyain. (nasan ako dun? hahaha madami na akong nabasag na pinggan eh.) Pero,
sabi nga nila may climate change. Ang sabi ko, "The days are evil". Kaya maging kaugalian ng mga tao ay nababago.
Sa panahon
ngayon, madami ng mga babae ang mas agresibo kesa sa mga lalaki. Madami na ring
babae ang handang magtangol ng karapatan nila bilang babae. At may kasabihan
nga na “Kung kaya ni Mister, kaya din ni Misis”.
Ngunit sa
kabilang banda, unti-unti namang nawawalan ng boses ang mga kalalakihan. Sila
naman ngayon ang nagiging mas mahihinhin. Eh ano nga ba talaga ang tama? Ano nga
ba tamang katangian ng isang lalaki?
(Bibigyan ko
lang ng diin ito dahil matagal na akong nababahala sa kung ano ang nangyayari
sa mga kalalakihan. Lalo na sa mga Kristyanong Kalalakihan. Dumating pa nga sa
pagkakataong nagkaroon kami ng Girls Night of Prayer hindi para sa personal
prayers naming kundi para sa mga kalalakihan.)
Sa panahon
ngayon, medyo nababahala talaga ako sa katayuan ng mga kalalakihan generally. Hindi
ko sila kino-condemn pero nais ko silang gisingin sa katotohanan na kailangan
nilang balikan ang tunay na mandato sa kanila ng Diyos.
Pagdating sa
Salita ng Diyos, may ilang bagay na tumutukoy sa pagkalalaki at isa dito ay ang
salitang katatagan ng loob o courage. Courage at tapang na nanggagaling sa Diyos
at hindi sa energy drink at hindi sa pag-gigym.
Kaya mga
kalalakihan, magpakalalaki kayo! Be man of courage! Be man of Christ! Please. :
)
Ang Sagot..
Ayan, sa
tanong naman na “anu ang dapat na hakbang para malaman
na totoo ba ito or bugso lang nag damdamin.?”
Una, kasama sa pagmamahal ang bugso ng damdamin. Kasi kung
wala ka namang nararamdaman o wala kang bugso ng damdamin para sa kanya eh
hindi yun love beyond friendship.
Pangalawa, wala sa akin ang sagot kung totoo ba ang
nararamdaman mo o hindi. Bakit? Choice mo yun. Kung may nararamdaman ka sa
kanya it is your choice kung ipagpapatuloy mo ba ito or titigilan mo dahil mas
gusto mong friends lang kayo or titigilan mo muna dahil mas gusto mong piliin
ang kalooban ng Diyos. It is your choice.
Pangatlo, your choice matters. Bakit ko to sinabi? Our
everyday choice or yung bawat decision natin ay may epekto sa future natin.
Kaya dapat maging maingat tayo sa pagpili. We must choose the will of God. (So,
I assume madami nanamang magtatanong kung ano ang kalooban ng Diyos? What is
God’s will?)
Lastly, pag uusapan natin ang kalooban ng Diyos. Ano ba
ang kalooban ng Diyos?
Kalooban ng Diyos na tayo ay maligtas. (1 Timothy 2:3-4 "This is good, and pleases God our Savior, who wants all people to be saved and to come to a knowledge of the truth.")
Kalooban din ng Diyos na tayo ay mapuspos ng Banal na Ispirito. We must be filled by the Holy Spirit. (Ephesians 5:15-18 "Be
very careful, then, how you live —not as unwise
but as wise, making the most of every opportunity, because the days
are evil. Therefore do not be foolish, but understand what the Lord’s
will is. Do not get drunk on wine, which leads to
debauchery. Instead, be filled with the Spirit,..”) and last,..
Kalooban din ng Diyos na tayo ay ma-sanctified (ano tagalog nun? kanina ko pa iniisip. hahaha) In english we must be sanctified. (yun din yun. haha) (1 Thes. 4:3 "It is God’s will that you should be sanctified: that you should avoid sexual immorality;.." Kailangan nating magpalinis sa ating mga kasalanan. Pero hindi natatapos sa pagpapalinis. Dapat natin itong layuan, itakwil at kamuhian. Dahil ang kalooban ng Diyos ay yung makita Niya tayong malinis at handang mahalin Siya.
At yun ang Kalooban ng Diyos sa atin.
Baka may mga nagtatanong, "Eh Ate Jai, di naman nasagot yung tanong ko kung God's will ba na mahalin ko ang bestfriend ko eh."
Here is my final answer:
Kung alam mong ikaw ay ligtas na at tinanggap mo na si Jesus bilang Lord and Saviour mo, at kung puspos ka na ng Banal na Ispirito at ikaw ay Sanctified na, ang kalooban ng Diyos ay.... ANG CHOICE MO. Ano man ang piliin mo ay kalooban Niya. When Christ lives in you, He will be your guide in every choice you make. He will be there for you. He will show you what is good, pleasing and perfect. At ipapakita din Niya sayo na habang nag-aaral ka hindi Niya kalooban na makipagrelasyon ka muna. Bakit? Kasi, hindi pa yun ang priority mo. Mas mapapamahal kasi sayo yung taong mamahalin mo kung alam niyang stable ka na at kaya mo na siyang panindigan at kung alam niyang una mong sinunod ang Diyos bago siya. That is the Will of God.
(Warning: Be careful and evaluate yourself first before claiming that you are really saved.)
That's all!
I hope and pray nasagot ko ang follow-up question mo. Kahit mahaba.. hehe
I hope and pray nasagot ko ang follow-up question mo. Kahit mahaba.. hehe
Ako po ulit si Jai... nagmamahal lang..
Natawa ako nung nalamam kong sinagot mo ung tanong ko, hahaha promis. But now I'm enlightened, I just already have to do for now is to pray and pray in order for me to know God's will on my life, thanks for the response for answering my question. God bless and keep on blogging.
ReplyDeletehahahaha.. naman! para sayo! hahaha ipakilala mo si bestfriend sakin. God bless u more. :)
Delete