Thursday, August 16, 2012

Sana Ako na lang :(

Ayoko namang mag-emote eh. Gusto ko lang mailabas tong nararamdaman ko. Masyado lang talagang masakit para sakin. Yung gusto kong isagaw sa Diyos na sana ako na lang. Kung pwede lang naman. Ako na lang.

Since saturday hindi na maganda nagiging kalagayan ng kapatid ko. Bukod sa sakit sa puso at hyperthyroidism niya eto't may mumps at hinanghina siya. Masakit para sa akin na makita siya ng ganun. Hindi makakain, hindi makapaglaro, hindi makatayo, hindi na din nakakapasok ng school. It really breaks my heart lalo na pag sinasabi niya napapagod na siya. Isang munting bata na nagsasabing pagod na siya. Ang sakit sa damdamin. 

Hindi ko alam kong ano gagawin ko sa tuwing nakikita kong nahihirapan siya at nasasaktan. Minsan din ayoko na lang umuwi sa bahay para hindi ko siya nakikitang ganun. Pero mas naiisip ko ang kalagayan niya. Napapaisip din ako, kung ako na kapatid lang nasasaktan, pano pa kaya ang Mama ko? Ang Papa ko? Haaay. Nakakaiyak. Sa tuwing nakikita ko ang Mama ko na inaalagaan ang kapatid ko. Ramdam ko yung sakit. Ramdam ko yung pagmamahal ng isang magulang.

Gusto kong isipin na kaya kong harapin ang pagsubok na to. Na kaya ng pamilya namin harapin ito. Pero mahirap. Kailangang maging matatag. Pero mahirap. Kailangan maging masaya. Pero mahirap. Kailangan. Kailangan. Si Lord kailangan namin para malampasan to.

Kaya nga tuwing nananalangin ako. Kung pwedeng ako na lang. Mataas naman kasi pain tolerance ko. Para hindi na lang nila maramdaman na masakit at mahirap. Kasi kaya kong kayanin. Kaya kong itago. Kaya ko. Kaya namin ni Lord. Kaya sana ako na lang.

Alam ko namang may magandang plano ang Diyos kung bakit nangyayari to. Pero wag na lang sana sa kapatid ko. Ako na lang sana. 

Sa bawat ngiti ng pamilya ko, napapalakas nila ang loob ko. Iiyak man ako ngayon tatawa din ako mamaya. 

Isa lang ang panalangin ko ngayon, "Lord, pagalingin mo na si Precious." 

Salamat po.

Kaya ko pa. Masakit lang talaga.

Kaya sana ako na lang. :(