Ang tanong: "Okay lang bang mahalin ko ang Bestfriend ko?"
Kakaibang blog naman ang mababasa niyo sa araw na to.
Susubukan ng powers ko nasagutin ang ilang katanungan ng ilang umiibig, nais umibig o
kaya nama’y umibig na. In short, lovelife ang pag-uusapan natin ngayon.
Mula sa aking twitter account na ( @jhairaV ) may isang babaeng
nag-dm sa akin ng isang katanungan. Nagulat ako na tinanong niya tong bagay na to
sakin. Bakit? Una, hindi ko akalaing hirap siya sa ganitong aspeto. Pangalawa,
hindi ako karapatdapat bigyan siya ng isang advise o kahit sagot. Hahaha. At
huli sa lahat, ayoko ng tanong. Hahahaha Bakit? Kasi parang napagdaanan ko na yung sitwasyon.
Hahahaha Bahala na nga! Susubukan ko na lang sagutin ito ng may ngiti sa mga labi. : )
Itago muna natin siya sa pangalang Ana.
Ang paliwanag ni Ana:
“Ganito kasi yun.Simula sa children ministry magkaibigan na talaga kami. Hanggang sa naging youth, kami parin ang laging magkasama. At ngayon na Young-Adult na kami, hindi pa rin yun nagbago. Kahit nga mga school na pinasukan namin kung hindi parehas, eh magkalapit. At ngayong nagwowork na kami parehas pa kami ng lugar na pinapasukan. Close na talaga kami at parang bestfriend na turingan namin sa isat-isa. Ngayon, napapaisip ako. Kasi, single siya at single pa din ako.Wala naman din siyang sinasabing nililigawan niya. Samantalang sakin may mga nanliligaw naman (gusto makipagprayer partner) kaso ayoko pa magpaligaw. Pero sa totoo lang siya ang gusto ko. Kaso kaibigan ko siya at parang wala pa siyang balak manligaw.”
Ang tanong:
“Anong dapat kong gawin? Okay lang bang mahalin ko ang bestfriend ko?”
Ang aking kasagutan:
At
natatawa talaga ako. Pero hindi kay Ana. Pasensiya na.Sabi ko sainyo ayoko ng tanong eh. Sa mga nakakakilala sakin sigurado akong natatawa na
din kayo. Sa mga hindi naman, kasi po minsa’y umibig na rin ako ng isang “bestfriend”
hahahaha. Ang tapang kong umamin.
Okay… tama na ang kalokohan at atin ng pagbulaybulayan ang sitwasyon ni
Ana.
Unang point..
Sa tanong mong ano an dapat mong gawin?
May mga gusto
muna akong linawin. Ang bestfiend mo ba Ana ay lalaki? Kung oo ang sagot. Let’s continue.
Pero pag hindi. Wag mo ng basahin ang mga susunod. : )
Next, Sabi mo, simula children
ministry, Youth at Young-Adult kayo na lagi ang magkasama. Kaya ba pati sa Couples gusto
mo na din siyang kasama?
Sabi mo din, pati sa mga schools at trabaho magkalapit kayo.
Hindi mo kaya siya sinusundan?Pero kung hindi naman, maliit lang ang Pilipinas. May
mga pagkakataon talagang magkakasama kayo ng kakilala mo. At
minsan kasi pinapansin lang natin yung mga bagay na yun kasi gusto
natin bigyan ng kahulugan. Ang hindi mo napapansin may
kakilalaka rin na simula sa pagaaral hanggang trabaho eh
lagi mong nakakasama hindi mo lang nahahalata kasi walang malisya sayo. Tapos sabi mo nga
din single siya at single ka at take note (may nanliligaw at gustong maging
prayer partner mo) pero ayaw mo pa kasi ayaw mo magpaligaw. Eh ang tanong, ayaw mo ba
talaga magpaligaw o ayaw mo sa nanliligaw o kaya naman iba ang gusto mong manligaw.
Dear Ana, nagtatanong ka kung ano dapat gawin?
Una, free yourself. Palayain mo ang sarili mo. (Tinagalog ko lang.hahaha) Kasi nalilimitahan ang buhay mo ng kagustuhan mo at hindi ng kailangan mo o kung
ano ang nararapat na maranasan mo. You are single at
hindi masamang manalangin ka sa Diyos ng tamang lalaki na para sayo.
Siguro, dahil close
na talaga kayo, at madami na kayong napagsamahan kaya gusto
mong siya na ang makasama mo habang buhay. Pero Ana, ang relasyon at pagmamahal ay
hindi sa isang tao lamang. Ibig sabihin, hindi lang ikaw ang dapat mag-mahal. Dapat mutual. Kasi kung ikaw lang, hindi mutual. (paulit-ulit na ako.hahaha) Pero ang gusto kong i-point, try to consider his feelings. At yun ang pangalawa, consider other considerations,
hahaha. Dahil pag naging malaya kana sa nararamdaman mo para sa isang tao lang. You
can consider others. At pwede nitong ma-unveil
ang totoong dapat maramdaman ng iyong puso.
Another thing na dapat mong gawin, pray while
waiting. Huwag kang magmadali, kasi ang nagmamadali kung matinik ay malalim.
(Ang lalim.hahaha) What I mean is, hindi dapat madaliin ang lahat ng bagay. May
tamang panahon at oras lagi ang Diyos. Sabi nga sa Ecclesiastes 3:11 “He (God) has
made everything beautiful in its time…”
Learn to trust God while you’re waiting
and also learn to accept God’s gift. Si bestfriend man ito o si Coco Martin o
kung sino mang poging anak ng Diyos ang nakalaan sayo.
Your second question..,
Okay lang bang mahalin ang bestfriend mo?
Siyempre naman. Isang dahilan kaya tayo nabubuhay ay para magmahal. NGUNIT,
hindi lang si bestfriend ang dapat mahalin. We must love one another. Pero higit sa lahat una dapat nating mahalin ang nagbibigay sa atin ng dahilan para magmahal.
At yun ay si Jesus. (1 John 4:19) “We love because he (God) first loved us.”
Pag inuna nating mahalin ang Panginoon, naniniwala ako na kaya
Niyang ibigay sa atin ang ating mga panalangin. Dahil sa Kanya, lahat posible.
Dahil sa Kanya, may ligaya. At dahil kay Jesus, may pag-ibig. Dahil Siya ang pagibig.
Some things na pwede mong gawin. Enjoy your singleness. Make friends and bestfriend with girls. Lalo na ang mga girls sa church niyo. In that way, pwede ka nilang tulungan sa mga ganitong klaseng situation ng life mo. And also, spend time with your family. Next to God, sila ang mas nangangailangan ng oras, panahon at attention natin.
I hope and pray nasagot ko ang tanong mo Ms. Ana.
I-dm mo lang ulit ako pag may tanong ka pa. Hanggat kaya ng powers kong sagutin,
sasagutin ko. : )
Nagmamahal,
Ate Charot!
(Hahaha. Biro lang..)
Hanggang s amuli!
Jai po…nagmamahal lang… J
Pag may tanong, pwede niyo pong i-comment. May Anonymous
naman diyan. O kaya i-email niyo ako sa jirehvillafania@gmail.com
Or follow me on twitter: @jhairaV
And add me on facebook: JirehVillafania
1 John 4:8
From your question "Anong dapat mong gawin?" I agree with Jai that you must free yourself. Thinking of these things sometimes makes us paranoid. One of the things i learned from LCDM that pleases God, you should not look at the guys as "s'ya na kaya? o siya ba? baka namn s'ya" but instead look at the guys ng pantaypantay. No favorites, no more attention to him because he is your crush. But pantaypantay na pagtingin, kaibigan mo lahat. As far as I remeber that's the criteria if you are ready to enter a relationship.
ReplyDeleteAt sa question mo na "Okay lang bang mahalin ko ang bestfriend ko?” Para sa akin okay lang naman. but not beyond love as a brother/ friend. Unang una aagawan mo na ng pwesto ang future beloved n'ya sa bagay na yan kapag ginawa mong mahalin s'ya as boyfriend or what. Mabuti sana kung kayo talaga but since wala pang confirmation ang Lord sa inyo na kayo ay para ay sa isa't isa. I suggest enjoy the friendship na meron kayo. Walang halong iabng gaya :)
Payong kapatid lang sister at ito ay para sa akin lang naman :D
nice insights Sarah! :) Isa kang alagad ng pag-ibig. haha :D
DeleteSiguro kasi unusual yung babae ang mag tatapat ng nararamdaman niya. (opinion lang)
ReplyDeleteWhat if Vice versa? Lalaki naman ang magmamahal sa bestfriend niyang babae and beyond love as a brother/ friend, anu ang dapat na hakbang para malaman na totoo ba ito or bugso lang nag damdamin. hahahah sana po kayanin ng powers niyo. God bless po, keep on blogging ate Jai!
ahhmm.. pwede bang usap tayo sa Linggo kapatid? hahaha o kaya naman sabihin ko sa LG leader mo? hahaha biro lang. sige, susubukan ng powers kong sagutin ang tanong mo. Abangan mo bukas! Dito lang sa www.jirehvillafania.blogspot.com :D God bless u more! :)
Delete