Tuesday, July 31, 2012

Heart Beat Pounding


Naranasan mo na ba yung bigla na lang bumilis yung tibok ng puso mo? Yung kakaibang tibok. Yung wala namang dahilan pero nararamdaman mong meron talagang dahilan. Ang gulo no? Yung pakiramdam na nagmamahal ka pero ramdam mong mas mahal ka. Yung pakiramdam na higit pa sa pagmamahal ng isang magulang. Yung pagmamahal na hindi simple, hindi pwedeng baliwalain at hindi maipaliwanag. Yan mismo ang nararamdaman ko ngayon. 

Hindi talaga ordinaryong tibok ang nararamdaman ko. Hindi ito simpleng tibok tulad ng nararamdaman ko pag nakikita ko ang crush ko. O kaya naman tibok sa sandaling makita ko ulit ang aking Ama. Iba talaga eh. Siguro, dahil na rin sa dahilan at kung sino ang dahilan. Kaya isa lang masasabi ko. Ang sarap magmahal talaga ni Jesus. Pero ngayon naramdaman ko na ang sarap din talaga Niyang mahalin. 

Yung pagmamahal na kahit masaktan ka ng paulit ulit dahil sa Kanya balewala lang. Kasi alam mong Siya lang ang rason kung bakit ka nabubuhay. Sapat na para sa akin ang pag mamahal Ni Jesus. Wala na nga akong mahihiling pa, pero SIya alam ko may isang munting kahilingan para sa akin. At yun ay ang ipagkalat sa inyo kung gaano Niya kayo kamahal.

Kung ako nga mahal Niya, kayo pa kaya? Sa lahat ng makakabasa nito huwag mong hayaang hindi mo maramdaman ang pagmamahal Ni Jesus. Simple lang naman eh. Tanggapin mo Siya bilang iyong Diyos at tagapag-ligtas, bilang iyong manunubos, bilang isang tunay na paghuhugutan ng pagmamahal. Kung akala mong sobra ka ng makasalanan at sobra mo na Siyang nasaktan at imposible ng mahalin ka pa Niya, nagkakamali ka. Higit pa sa iyong inaasahan ang pagmamahal ng Diyos. Mas malawak pa sa karagatan, mas malalim pa sa iyong inaasahan. At kung akala mong wala ka ng pag-asa, hindi totoo yan. Kaya ka nabubuhay ngayon at kaya ka pa humihinga dahil gusto kang bigyan ng chance ng Panginoon para magbago at maranasan ang pag mamahal Niya.

Lagi mong iisipin, ang bawat tibok ng puso mo ay bigay ng Panginoon. Huwag mong sasayangin. Mahal ka ng Diyos.

:)

Pagkatapos mong basahin yan, pakinggan mo to:



Sabay tayo sa pag awit. :)

Emotion stirring a love that's turning this world upside down
Heart beat pounding your love surrounds me you are
All things great

We stand in one accord bringing praise to our heavenly Lord
Joined in one heart we cry out Lord

You're the love above life
In all we lift you high
Were raising your banner all to glorify
Your name

Shine your glory
Shine your glory



Ang sarap no? 
Salamat sa pagbasa, pakikinig at pagkanta.













"Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength"
(Mark 12:30)