Ang Tanong: Selfish na ba ako?

"hi ate Jai, I have a question again. Its about again with my best friend or close friend. I have close friends and we call our company as SUPER FRIENDS (hahaha medyo corni) the one is guy and the other one is girl (I remember you created blog that answers my question entitled "I'm in Love with my best friend"). . . .
But here's my "CASE".
Kapag kasi ako ay may naging close na mga kaibigan, i GIVE MY ALL, what I mean is I do my best being a friend, siguro dahil sa pagiging ganun ko masyado akong malapit sa kanila... but many times kahit pa sa mga dati kong naging ka close na kaibigan hindi ko maiwasan yung selos ba na kapag may kasama silang tao na mapalalaki man o babae, yung naiitsapwera ako nang bahagya, but I know na close friend din ang turing nila sa'kin, kung baga, hinhanap ko yung pagtugon nila sa mga ginawa ko, or nag eexpect ako na sana unahin din nila ako gaya ng pagbibigay ko nang attention sa kanila, what i mean again is kapag nag kakakita kita kaming tatlo gusto ko kami kami lang ang mag kakasama.
and here's my "QUESTION"
Masyado ko lang bang ibinuhos ang sarili ko sa kanila or nagiging Selfish na ako?"
                                                                                                                           -Joses


Hi Joses! Sorry ngayon lang ako sasagot kahit na September 29 pa tong tanong mo.

Kamusta naman ang "I GIVE MY ALL" na linya mo? Napapakanta tuloy ako. Hehehe Pero sa tanong mong : "Masyado ko lang bang ibinuhos ang sarili ko sa kanila or nagiging Selfish na ako?" Based sa nakwento mo, YES. Masyado mong binubuhos ang sarili mo sa kanila and YES again, nagiging selfish ka. Why? I know you know why.

Ang friendship kasi ay parang isang malaking Makati. Madaming mga overpass at underpass. What I mean is malawak ang ibig sabihin ng pagkakaibigan. You can be so over-friendly not knowing na nakakasakal ka na or you are being under-friendly na you didn't even care for them.

Gaya nga ng sinabi ko sa blog ko about kay Jac at Irish sa  Ang Tanong: Kailangan pa bang ipagpatuloy ang friendship o i-let go na?.  Pag ikaw ay nagbibigay, ng kahit ano, atensyon man ito, pang unawa, pakikipagkaibigan o pagmamahal, never ever ask for something in return or never hope for something in return. Kasi kusa tayong nagbibigay at nagmamahal. Hindi masamang maging concern ka sa kanila pero pag sobra naman ay hindi na maganda. Hindi lang dahil nasasakal mo sila pero at the same time sinasakal mo mismo ang sarili mo at pinaliliit mo ang mundo mo.

Your friends have friends also sa ayaw mo man at gusto. Hindi mo maaalis yan. At pag ipinagpatuloy mo pa ang ganyang attitude towards them. (Na naiinis ka or hindi okay sayo na may kasama kang iba.) Lalong malalayo sila sayo. 


My all-time (nakakasawang hindi) friends. Carlo and Patrick. : )



Here's for you:

When your friends or should I say SUPER FRIENDS make friends, it doesn't mean that they don't like you anymore. Pwede ngang maging way yun para lalong dumami ang friends mo. Kaya take advantage of it. Ikaw mismo ay may karapatan na humanap ng iba pang mga kaibigan pero that doesn't mean na ipagpapalit mo na ang SUPER FRIENDS mo. Just allow yourself to be free. Masarap ang madaming kaibigan.

When you love your friends you should adjust and adapt. Isang importanteng bagay na natutunan ko about love is unselfishness. Yun bang pakiramdam na willing kang magsacrifice para sa iba. Yung willing kang mag-adapt at mag-adjust sa pangangailangan ng iba. Hindi yung gusto mo ang nasusunod lagi at yung ikakasaya mo ang mas mahalaga. At yun ay itinuro mismo ni Jesus nung na-hang siya sa Cross. Willing Siyang magsacrifice at i-offer ang kanyang sarili para lang sa pangangailangan natin. Nagpakatao din Siya to the point na naranasan Niyang masaktan para lang maging malaya tayo. Yun ang totoong pakikipagkaibigan. Siya mismo nung time na huhulihin na siya. Sabi sa Matthew 26:50 Jesus replied, "Friend, do what you came for." Then the men stepped forward, seized Jesus and arrested him. Tinawag pa niyang Friend yung mga huhuli sa kanya kahit alam niya kung ano yung gagawin sa kanya. Yun ang dapat nating gayahin. 

Now, what you need to do is be like Jesus. Be the person who can pour out God's love into the lives of your friends. And you can also feel happier when you make others feel happy. 


Yun lang po. 

Hanggang sa muli.














Love is the energy of life. It is what motivates people to get up each day and keep going. Love gives life purpose and meaning. Everywhere you look you see people searching for love…but they're looking in the wrong places. God is love, and they will never find what they're looking for until they find Him.
-Joyce Meyer


Comments

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)