Ang Tanong: Ano bang tamang response ko sa mga nagtatanong sakin kung kelan ako mag-aasawa?

Hi Jai!
I know I'm so nakakadisturb na. Pero ano bang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon.
I'm 24 now and turning 25 next month. Single, Happy and satisfied. Pero pagdadating yung time na may magtatanong nanaman sakin kelan ako magboboyfriend or kelan ako mag aasawa, nalulungkot ako. Ano bang tamang response ko sa mga nagtatanong sakin kung kelan ako mag-aasawa?
-May C.




Hi Ate May!

Siguro mostly satin ngayon, pagtumungtong ka ng edad 22 pataas (sinama ko talaga yung age ko noh? na-eexperiance ko na din kasi yun.hehe) eh nakakaranas ng ganitong torture.. hahaha torture talaga noh? Kadalasan direct nilang sinasabi pero minsan din naman sila-sila nag uusap at nagtatanungan. Kaya hayaan natin sila! hahaha (joke lang po) And as we get older mas lalo pang titindi ang pagtatanong hangga't wala silang nakikitang sagot.


Sa tanong mo pong:
"Ano bang tamang response ko sa mga nagtatanong sakin kung kelan ako mag-aasawa?"

Actually mahirap talagang sagutin yung tanong, lalo na kung halos araw-araw na nating naririnig sa bibig ng mga tao to. At minsan baka pati sa panagip ay binabangungot ka na nito. hahaha

But seriously, sa tingin ko ang proper response sa ganitong tanong eh dapat yung naaayon parin sa kalooban ng Diyos. Colossians 3:17 says: "And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him."

Madaling sabihin pero mahirap gawin. Tama? Tama! Tao parin naman kasi tayo with a sinful nature na may kakayahang kumulo ang dugo at tumaas ang kilay. Lalo na kung sawang sawa ka na. Pero kaya naman diba? If we make Jesus our focus and we do all things for His Name. Kakayanin natin. Kasi Siya yung source mismo natin ng lahat lahat! We also need to acknowledge the presence of the Holy Spirit to guide us sa lahat ng sasabihin natin. Coz' the Holy Spirit Himself will direct us and guide us to respond with kindness, gentleness, joy, love and self control.

Sa mga hindi singles, medyo mahirap nilang unawain to. Kung gaano kapressure especially sa girls ang ganitong situation. Sa culture kasi ng bansa natin eh hindi naman nagfifirstmove ang mga babae. Kaya ang babae, naghihintay na lang. Kaya naman minsan hindi talaga madali yung napakatagal mo na ngang naghihintay. Tapos kay dami pang nagtatanong sayo. Kaya sa mga mahilig magtanong, hindi po namin kayo pinipigilan. Pero, kalakip po ng inyong pagtatanong ay iyong pagsama niyo sa pananalangin. :) Sa mga mapapalad na nakakatanggap naman po ng tanong eh, tanggapin na lang po natin ito ng may pagmamahal. Marahil sa paningin natin eh hindi ito maganda, pero if we take it positively, na concern lang sila satin and love nila tayo kaya they want us to have partners in life.

At ang pinaka-importante sa lahat ay hindi yung tingin o sasabihin ng tao satin. Ang mahalaga ay yung ramdam natin ang saya kahit na single man tayo, in a relationship or it's complicated pa ang status natin. Kasi once ramdam natin yung happiness at satisfaction with our God. Buo na tayo. We cannot ask for more. Yung love ng Lord, sapat na at higit pa.

This is my suggestion. Answer them like this:
"I don't know yet. I may not know all the plans God has for me but one thing I'm sure of, ikakasal man ako o hindi, masaya akong haharap sa Panginoon dahil dito pa lang sa mundo pinasaya na Niya ako. At kung will man Niya na mag asawa ako, bonus na yun!" (then smile)


yun lang po Ate May!

God bless u and ur relationship with the Lord!


Nagmamahal ng walang sawa,



Comments

  1. ito nanaman ako ate jai si mr. j****

    This verse convict kaming mga boys noh :)

    Proverbs 18:22
    He who finds a wife finds what is good and receives favor from the LORD

    and i will remind you ladies

    si LORD nag ibento ng kasal :) and dont pressure sa magiging beloved ninyo sa future.

    God bless :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha.. gagawin mo nanaman akong mang huhula ng pangalan. pambihira..
      anyways..
      for me??

      NO PRESSURE!
      hahaha
      Ang lakas!!!
      :D

      Delete
    2. hahahaha ako'y isang balang ligaw na mahirap hulaan hahahaha


      well
      Good to know hahahaha the LORD will provide :)

      Delete
  2. Hi Jai!

    Thanks sa pagsagot ha! It helps! Pagpatuloy mo lang yan. I'm sure madaming magmamahal sayo ng tunay! More blessings!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks ate. Yihee.. natuwa naman ako sa sinabi mo. God bless u more. :)

      Delete
  3. http://www.youtube.com/watch?v=ftgPJyG5_L4

    hahaha dahil diyan. Ito ang sagot ko hahaha.
    Kapag yan ang topic ito lagi naiisip ko.
    <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. video talaga yung sagot? magpapaAVP ka muna? hahaha

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)