Bakit ko iboboto si Bro. Eddie?






Marahil madaming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay sinosuportahan ko parin siya? May mga nagsasabing sayang lang ang boto ko dahil konti lang naman ang boboto sa kanya.. Yung iba naman, pinagpipilitan na ginagamit lang niya ang mga nasasakupan niya.. At ang iba ay wala lang talagang alam tungkol sa kanya... Bakit nga ba Jai? Bakit?


Ang sagot ko...


Alam ko ang totoong pagkatao niya.
2010 palang todo support na ako sa kanya.. Akala ng iba bayad ako sa mga ginagawa ko para kay Bro. Eddie. Pero ni piso wala akong natatanggap at tinanggap.. at hindi lang ako ang ganun.. madami sa suporters ni Bro. Eddie ang sadyang paniniwala lang ang puhunan. Bakit? Kasi naniniwala kaming hindi dapat maging hadlang ang pera para ipaglaban mo ang tama.

Hindi dapat "pera" ang dahilan para makamit mo ang tagumpay. Hindi "pera" ang dahilan para ikaw ay manalo. Dahil ang "pera" nauubos, pero ang prinsipyo, konti lang ang meron niyan. At nakita ko ito kay Bro. Eddie.

Noon pa lamang ay pinatunayan na ni Bro. Eddie na hindi nababayaran ang prinsipyo niya. Ipinaglaban niya ang mga magsasaka, mangagawa at ang mga ordinaryong Pilipino para sa karapatan nila. Handa nyang harapin ang kulungan maging ang kamatayan para lang ipaglaban ang prinsipyo niya.

Bilang isang Pilipino, nakulong siya ng dalawang beses dahil sa pagtatanggol niya sa mga kapwa niyang ninakawan ng yaman noong Martial Law. Bilang isang kabataan, nanguna siya sa pagsigaw upang magkaroon ng reporma sa pamahalaan. Bilang isang alagad ng Edukasyon, tinuruan niya ang kanyang mga estudyante ng mga paraan para mapaunlad ang Ekonomiya ng bansa. At bilang isang Pastor, ginabayan niya ang mga tao para magkaroon ng pag-asa, pagmamahal at tunay na pagbabago sa kanilang mga buhay.

Bukod sa kanya, sino sa mga tumatakbong Senador ngayon ang nakagawa nito? Wala! Hindi ninyo alam to? Kaya pala ayaw niyo siyang iboto. Ako alam ko at isa ito sa dahilan kung bakit ko siya iboboto.


Jai Villafania po, Isang kabataan na may pagmamahal sa Bayan at naniniwalang hindi pa tapos ang laban. Hindi ako mang-iiwan para sa umaangat na Bayan.





Comments

  1. kasama mo ako kapatid!!!kaya huag tayong papalinlang sa iba..alam na natin ang tamang dapat tumayo sa senado kaya hindi na tayo magpapalinlang sa iba...kung anong tatag ng prinsipyo ni bro eddie villanueva,ganun din tayo!!!!Mabuhay tayong mga Pilipino na may totoong takot sa DIYOS at pagmamahal sa BAYAN!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po! Nakakatuwa na malaman na madami na ang handang tunay na mag mahal sa bayan.. Patuloy po nating mahalin ang bansang Pilipinas! #teambroeddie

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)