Ang tanong: What's the status of my heart? :)

Ayaaannnn naaaa... Hearts day again... Pero same old feelings... Happy....a little bit jealous sa mga makakatanggap ng chocolates and flowers.. hahaha just kidding.. Pero what do I really think about this day?

Few days ago, I've posted a status where in "anyone" could ask me a question regarding hearts day. So now, I will answer some questions.. Sorry sa mga hindi masasagot. Too personal yung iba. I'll pm u na lang. Hihi Peace!

Question No.1:
From a my friend Sheena:
"Sino kadate mo?"
-akala mo wala parin sagot ko? Meron na! Hahaha Si Mary Ann. 3 years ng kami ang magkadate tuwing February 14 since college.. Ooopss.. Baka isipin niyo lalaki ako. hahahaha I mean "tomboy". No.No.No. She is one of my closest friend. And we are both single dati kaya nagpapakasaya kami pag hearts day. Pero ngayon, she's in a relationship status na. Kaya kasama namin boyfriend niya. In short, chaperon ako. hehehe So they are my date. : )

Question No. 2:
From a churchmate:
"He is in a relationship na. Ikaw ate wala pang balak?"
-aysus!! hahahaha. Good for him and I'm happy for both of them seriously. : ) Ako naman? May balak na.. Just waiting and praying.. Taking things One step at a time. Darating din tayo diyan.

Question No. 3:
From Kate:
"Okay lang po bang magka-crush kahit na in a relationship na?"
-you know what, tinanong ko to sa Powerhouse service ng JIL-Ubelt and this is their answer na answer ko rin. YES. Okay lang dear. Crush is crush at normal lang na humanga tayo sa isang tao. Pero kung yun naman na lagi ang focus mo. Na mas nabibigyan mo na ng attention yun kesa sa ka-relationship mo or sa more important things hindi na yun maganda.. At hindi na crush ang tawag dun.. Obsession. So that's the answer po.


Question No. 4:
From Anonymous daw:
"Bakit nagagawa ko paring mahalin yung mga taong nanakit sakin? that despite of brokeness, emptiness bkit may naibibigay parin akong pagmamahal at pagpapahalaga? I came to a realization na eto yung love na dumadaloy sakin mula kay Lord pero .. bkit ko po kaylangang makaranas ng ganto when all I do is to love and care for them. Gusto ko lang din naman pong mahalin nla ko.
yan po yung tanong, pakitago nlang po pangalan ko sa ilalim ng kama mo para walang makakita at maka-alam kung sino ako. hahaha!"
- kinopy paste ko talaga yung message niya. Hehehehe The answer: Sinagot mo na yung tanong mo nung sinabi mong I came to realization na yun yung Love na dumadaloy sayo mula kay Lord. Kasi when you are in Christ, meaning tinanggap mo na Siya bilang Lord and Savior, meron ka ng DNA Niya. What He does, you do and what He feels you feel. Minsan kasi ang gusto lang nating tanggapin eh yung kung ano ang advantages na meron bilang child of God. We accept and receive easily yung inheritance na gusto natin pero part of that inheritance eh yung pain, hurt, suffering, brokenness, and many more. Romans 8:17 clearly says that: "Now if we are children, then we are heirs—heirs of God and co-heirs with Christ, if indeed we share in his sufferings in order that we may also share in his glory." We cannot please all people. If we love them, then we must love them unconditionally to the point where in we maintain patience and kindness and to neglect or to keep no record of wrongs. It sounds to difficult as if we are martyrs na may pusong bato pero hindi yun ganun talaga. Dapat maging normal na feeling yun satin kasi ganun si Jesus. Kung ganun Niya tayo minamahal, dapat ganun din tayo. So if dumarating ka na sa point na napapagod ka ng magbigay ng pagmamahal mo, nagsasawa ka ng laging masaktan, at nahihirapan ka ng umintindi isa lang ang dapat mong gawin. Look at the Cross. Remember the day Jesus Himself suffered for all your inequities, the day that He has been broken to save you. Then, you will realize kung gaano kalawak ng Pagmamahal na pwede mong paghugutan pag nawawalan ka na... Gaano kalakas ang Pag-ibig na pagkukunan mo pag napapagod ka na.. at gaano kalalim ang TUNAY na Pagibig na meron Siya. Ayun ang haba na ng sagot. haha Next!
 
Question No. 5
 From a leader:
"What's the status of my heart?"

Ewan ko ba kung bakit ito nakapost na picture. hehehehe


 -Nung tinanong niya sakin to, ang sagot ko: Tatanungin ko po muna yung puso ko. hehe. At ngayon may sagot na po yung puso ko. Sabi niya "in a relationship" daw po siya. Hehehe. Sound weird. But YES. I'm proud to say na "In a relationship" po ako sa Taong nagsilbing gabay ko, handang umintindi sakin, handang mahalin ako ng walang pag aalinlangan, at kahit magmahal pa ako ng iba okay lang sa Kanya kasi hindi Siya humihingi ng kapalit. Sapat na sa Kanya yung tinanggap ko Siya, sapat na sa Kanya yung kilalanin ko Siya. Grabe noh? Ang sweet talaga ni Jesus. Alam niyo, hindi lang sakin Siya ganito. Sa ating lahat. Kaya ako, kung tatanungin ako, kung anong status ng puso ko.. Ang sasabihin ko, masaya, masayang masaya. : )


Yun lang po muna mga mambabasa! Happy Hearts day! Magmahalan po tayo araw araw. God be the center of our every relationship. Jesus be our Lord. : )

Nagmamahal,



Comments

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)