Ang Tanong: Paano ko mapipigilan ang sarili kong magmahal?
Our conversation:
Girl: Ate Jai, eh bakit ganun? Kailangan sabihin ko sa kanya na hindi pa ako pwedeng magka-boyfriend kahit gusto ko din siya?
Me: Yes. Kailangan.
Girl: Eh bakit ate?
Me: Kasi, hindi mo pa siya talagang mahal. 14 years old ka pa lang kaya.
Girl: Eh,. Kasi.. Sige na nga.. Eh ikaw ate bat ayaw mo pa magboyfriend? Diba si Kuya ______ nanligaw sayo dati? Bakit hindi mo siya sinagot? Paano mo napipigilan sarili mong magmahal?
Me: Hahahaha. At napunta sakin ang topic.? (at sinagot ko ang tanong niya..)
Ngayon sasagutin ko ito ng mas malawak....
Bakit ayaw kong mag-boyfriend?
Sinong maysabing ayaw ko? Siyempre gusto ko noh! Pero sa tamang panahon at sa tamang tao. Siguro nung mga panahong iyon ay hindi pa ako handa at hindi pa iyon kalooban ng Diyos. Ayaw mo din naman sigurong magmahal at magkamali ulit. I mean, kung desire mo na magboyfriend, desire mo na din na magmahal. At pag desire mong magmahal dapat desire mo ring magsakripisyo. At kasama sa pagsasakripisyo ang paghihintay. At kaya nga hindi ko sinagot si Kuya _________. Kasi hindi siya willing maghintay. :) hahahaha. Sayang! Chos! hahaha
Intro lang yun itong tanong na ito ang talagang sasagutin ko:
Paano mo napipigilan ang sarili mong magmahal?
Sa tingin ko mali ang tanong. Kasi hindi ko napipigilan ang sarili kong magmahal. At hindi natin kailangang pigilan ang sarili nating magmahal. We are born to love. Sabi nga sa 1 Corinthians 16:14 "Do everything in love." Kaya sa lahat ng gagawin natin, sasabihin natin o iisipin natin kailangan may kalakip itong pagmamahal. Bakit? Kasi sabi sa 1 John 4:8 "Whoever does not love does not know God, because God is love."
Siguro you are pertaining to the question, Paano ko mapipigilan ang sarili kong magka-relasyon? Alam mo ba na even yun hindi ko pinipigilan ang sarili ko. What I've learned is, ibahin lang ang focus ko. Kung naka-focus kasi ako sa "BOYFRIEND-GIRLFRIEND ISSUE" then I will get frustrated. Kasi sa panahon ngayon, ang tingin ng mga tao, pangit ka pag wala ka nun. Of course not! I even feel more beautiful sa pagiging single ko. Why? Kasi naitutuon ko ang attention ko sa mga bagay na makakapagpasaya sa taong mahal ko. Si Jesus.At siya yung nagpapakulay at nagpapaganda ng buhay ko.
So siguro what you need to do now bilang ikaw ay isang mumunting bata pa sa paningin ng Diyos ay ibaling ang atensyon mo sa ibang bagay. I also believe na when I complete everything God wants for me to as a single then I'll be ready to have a relationship. At ibibigay na ng kusa ni Lord yun.
Yun lang po.
God bless us all!
Nagmamahal,
Kung naka-focus kasi ako sa "BOYFRIEND-GIRLFRIEND ISSUE" then I will get frustrated.
ReplyDeleteAgree.Mas nkktakot pa d'yan baka di mo nppassin you do flirting na with guys. (Flirting na you make friends with them to know kung baka siya si boyfriend)
Ang masasabi ko lang.
You are so much loved by your creator, baka sa kahahanap mo ng boyfriend ay naneneglect mo na love ng Lord sa'yo. Be contented sa unconditional love ng Lord and time will come you will meet your Mr. Right kasi alam na ng Lord that you're responsible enough to handle that kind of love and relationship.
Last time i came up with this prayer kasi ang kaaway iffrustrate ka talaga eh.
"Lord, may Mr. Right man ako o wala. I will still love and serve You."
correct. Hindi naman requirement ang magkaroon ng Boyfriend para maka-enter ka sa langit. Baka nga pagdating dun ikaw pa na single ang may VIP pass saka meet and greet kay Jesus. Hehehe
DeleteSaka laging mas the best ang plan ng Lord para sa atin kesa sa sarili ntn plano hahaha
ReplyDeleteJust pray and wait for the will of the Lord. Wag ipilit, sabi nga ni ate Jai kung nakafocus sa BF-GF Issues, You will get frustrated. and I experienced that!
ReplyDeleteamen! :)
Delete