Why run again? Why Bro. Eddie?

Questions. Resentment. Judgement. Doubt. Fear. Confusion. Shocked.

Ang daming kanya-kanyang saloobin nanaman ang lumabas. Honestly, kahit ako nagulat.

Yesterday, December 20, 2012, akala ko Miss Universe pageant lang ang pagtutuunan ng pansin ng mga tao but unexpectedly may isang breaking news. "Bro. Eddie C. Villanueva will join the Senatorial race next year."




"He substituted for Bangon Pilipinas senatorial candidate Israel Virgines, who withdrew his candidacy. Friday is the last day for substitution of candidates.
“There was a clamor for me to reconsider my former decision (not to run). So, because of the clamor, I decided to accept the challenge. I’m so inspired by the daang matuwid (straight path) program of our President P-Noy (Aquino),” he told reporters." (Inquirer.Net.)

Siyempre madaming nagulat hindi lang ako. Nagsilabasan ang suporta at siyempre hindi din papatalo ang mga kontra. Pero bakit nga ba? Bakit ganun na lamang ang hangarin ni Bro. Eddie na magsilbi sa bayan?

2004 pa lang tumakbo na siya bilang Presidente at natalo, 2010 tumakbo ulit sa parehong pwesto at natalo pa rin. Ngayon, tatakbo ulit siya bilang Senador ng Pilipinas. Sabi ng iba, huwag na lang sana kasi mas kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang kanyang pagiging Pastor. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Sino tayo para hadlangan ang naisin niya na pagsilbihan ang bayan? Kung ang ibang politiko nga na wala na lang ginawa kundi magpakasasa sa yaman na hindi kanila ay hinahayaan lang natin at minsan tayo pa nga ang gumagawa ng paraan para sila ang maghari.Bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon ang mga taong mas may pagmamahal sa bayan.

Dahil ba siya ay Pastor lang? Dahil ba sa kawalan ng karanasan sa gobyerno? Eh kaya nga ganun kasi hindi siya nabibigyan ng pagkakataon. Kung sawa na tayo na paulit ulit nalang ang nangyayari sa Pilipinas, mag-isip tayo. Ayaw niyo ng Pastor sa gobyerno? Anong gusto niyo? Drug lord, Jueteng lord saka Artista? Mas karapat-dapat ba sila? Kaya naman, mga kapatid, magulang, ka-facebook, katwitter, kablogs... Magisip tayo...

Hindi dahil sa kapangyarihan kundi dahil sa pagmamahal sa Diyos at bayan ang nagiging rason para ipagpatuloy at ipaglaban ni Bro. Eddie ang matuwid na daan. Kung si Manny Paquiao ayaw bitiwan ang kanyang pagiging boksingero, iisa lang din ang dahilan. Dahil tulad ni Bro. Eddie, mahal nila ang ginagawa nila. Kaya kahit anong batikos man ang saluhin ni Bro. Eddie, ano mang suntok ng mga kontra sa kanya ang ipukol, walang makakapigil sa puso ng isang tunay na lingkod. Lingkod ng Diyos at lingkod ng bayan.

Ako, sa araw na ito, alam ko na ang desisyon ko. Mahal ko ang Diyos at Mahal ko ang Bayan. Bro. Eddie, kasama ako, kaisa ako at magsisilbi akong tinig ng bagong Pilipino.


Comments

  1. he Deserve ate jai. kung edukasyon ba ang pag uusapan he graduated with a degree in commerce, majoring in economics, from the Philippine College of Commerce (PCC).

    and then pastor siya taz kalakip ng skills niya sa economics.

    meaning di niya sinasayang mga talent ng binigay ng LORD sa kanya

    in the context of Parable of the talents sa bible

    gawin natin prayers plus work with faith.

    GB in your blog :)

    maka ate jai eh noh hahahahaha ate naman talaga kita hohohoho


    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. I know that Bro. Eddie deserves a seat. Kaya nga I am here to support him po.


      Ate??? seryoso?? Sino ka ba? hahaha.
      God bless u more.

      Kaisa ka din!
      :)

      Delete
  2. ako si J#####################################

    HAHAHAHA kilala mo ako pero di lubos

    nakita mo na din ako pero di lubos hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahahahaha.. wagas kang maka"lubos"..

      Ok "J##############"

      God bless u and Merry Christmas!
      :)

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)