Ang Kwento (Part 1)


Unang Kabanata

Bea- (Beatrice Valdez) babaeng sa dami ng pinagdadaanan sa buhay nakakaya paring tumayo at handang ipaglaban ang kanyang prinsipyo. Maganda, morena at matangkad. Working student, 2nd year at  Business Management ang kurso.
Benj- (Benjamin Beltran) matalik na kaibigan ni Bea. Bestfriend niya na may pagtingin sa kanya kahit na mas matanda ng isang taon si Bea sa kanya. Gwapo, sweet, mayaman kaso may pagkamayabang. Pero sa sandaling nalulungkot si Bea siya ang laging nanjan para patawanin siya. 1st year college computer science.
Bryan- (Bryan Gomez) isang matalinong mass communication student na nag-aaral sa isang promenenteng Universidad. Gwapo, Magaling magsalita at sikat sa kanyang larangan. (in short crush ng bayan) Madami nga lang lihim at medyo suplado.
Allen- (Allen Tolentino) matalik na kaibigan ni Bryan na nakilala din nila Benj at Bea.

Ilan pang karakter
Lyn- Boss ni Bea sa part time job
Rica- katrabaho ni Bea
Cong. Philip Beltran- ama ni Benj
Jason- manliligaw ni Bea
Ronald- Gwardiya sa trabaho ni Bea
Rachel- kaibigan ni Benj at Bea
Jessa- highschool bestfriend ni Bea



Ang kaganapan sa pinapasukang trabaho ni Bea…

Naglalakad si Bea palabas ng staff room nang tinawag siya ni Lyn ang manager ng fast food chain na pinapasukan niya. “Bea! Halika sandali dito. May tawag ka sa phone” ang sabi ni Lyn. Papatakbo namang lumapit si Bea para sagutin ang tawag. “Hello! Sino to?” ang sagot ni Bea.  “Pagong! Ano na? Nasan ka na? Nandito na kami nila Dad sa Makati. Pupunta ka ba?” sagot naman ni Benj na nasa kabilang linya. Natawang sinabi ni Bea kay Benj na papaalis na siya ng trabaho para pumunta sa Makati. “Simula na ba ang rally?” dagdag pa niya. Dahil Congressman ang Ama ni Benj lagi silang sumasama ni Bea sa kung ano man ang ipinaglalaban ni Congrassman. Ilang sandali lang ay ibinaba na ni Bea ang telepono para umalis.
“Manong Ronald! Pa-check na ng bag ko. Aalis na ko!” ang bungad ni Bea sa gwardiya ng pinapasukan niyang restaurant. “Saan nanaman date mo at parang nagmamadali ka? Kasama mo nanaman siguro yung anak ni Congressman no?” pabirong tanong ni Mang Ronald. “Ayan ka nanaman manong! Daig mo pa si Boy Abunda sa pang-iintriga. May rally nanaman sa Makati ngayon kaya go nanaman ako!” ang depensa naman ni Bea. Matapos ma-check ang bag ni Bea ay dali-dali itong nagpaalam at naglakad palabas ng restaurant.

Sa MRT….

Tumunog ang cellphone ni Bea. TInignan niya ito at binasa ang text ni Benj. “Pagong ka ba? Napakabagal mong kumilos! :p ” nakalagay sa text ni Benj. Nireplyan naman ito ni bea ng, “Teka, hindi naman ako ihi ah. Bat di mo ako matiis? Haha.” Ngunit hindi ito na-isend ni Bea dahil wala na siyang load hanggang sa makababa na siya ng Ayala Station.

Sa rally…

Hinahanap ni Bea si Benj sa dami ng nakakalat at maiingay na sigawan ng tao. “Nasan na kaya yun? Wala naman akong load para matext siya.” Ang nasa isip ni Bea. Naglakad si Bea papunta sa hindi masyadong matao na lugar at nagbakasakali na nandun si Benj ng biglang may nakita siyang isang lalaki na kumukuha ng litrato ng mga pangyayari. “Parang pamilyar sakin tong lalaking ito. San ko nga ba siya nakita?” tanong niya sa kanyang sarili. Hanggang sa biglang napatingin ang lalaki sa kinatatayuan ni Bea at kumuha ng litrato. “Hala! Bakit kaya ako kinukuhaan nito?” tanong nanaman niya, sabay yuko at kunwari’y may hinahanap sa bag. Maya maya pa’y may nanghawi kay Bea para tumabi. Yun pala ay nasa likod na niya si Congressman Philip ang ama ni Benj at pinalilibutan ito ng madaming tao. “Yun pala ang kinukuhaan nung lalaki ng litrato” sabi ni Bea. “Pagong!” sigaw naman ni Benj na papalapit na kay Bea. “San ka ba nanggaling? Ayan tuloy natapos na yung presscon ni Dad” dagdag pa ni Benj. “Wow ha! Parang ang daling mag commute papunta dito. Try mo kaya minsan” sagot naman ni Bea. “Eh kung nagpasundo ka nalang kasi sakin. Pride mo din kasi eh” sabi ni Benj sabay hila kay Bea papunta sa lugar ng mga taong nagrarally. “Teka lang naman. Pwede bang maglakad ng maayos?” apila ni Bea habang hila siya ni Benj. “Ano ka ba maiiwan tayo nila Dad.” sagot ni Benj na madaling madaling makasunod sa Ama niya. Nang makalapit sila dito’y napansin ni Congressman Philip si Bea. “O Bea! Nandito ka na pala. Ready ka na ba mamaya?” sabi ni Congressman. Kakanta pala si Bea bago magsalita si Congressman. “Medyo po Cong.! Kinakabahan nga lang” sagot naman ni Bea. Hanggang sa umakyat na ng stage si Congressman kasama ang iba pang politiko at nagpunta naman na ng backstage si Bea para maghanda.

Sa backstage…

Naglalaro ng psp si Benj nang marinig niya si Bea na tumutugtog ng gitara at nagpapractice ng kakantahin niya. Napatingin si Benj kay Bea at napatigil ito sa paglalaro niya. “haay.. ang galling talaga niyang kumanta” nasa isip ni Benj habang natutulala na siya. Patuloy naman sa pagpa-practice si Bea ng mapansin niya si Benj. “Benjamin Beltran! Punasan mo yang bibig mo. Tutulo na laway mo eh.” sabay tawa at bato ng tissue kay Benj. “Sira ka talaga! feeling nito. Si Benj to no. Sino ka para maglaway ako?” banat naman ni Benj. “At ngayon para bigyan tayo ng isang awitin. Tawagin naman natin sa stage ang isang napakagandang dilag. Let’s give a big hand to: Bea Valdez!” sabi ng host ng event. “Sino ako? Napakagandang dilag. That’s me Benjamin!” sabay tawang ininis si Benj. at umakyat na ng stage si Bea para kumanta. Natawa naman si Benj at sabi sa sarili “Hindi ka maganda Beatrice. Magandang maganda.”

Sa stage…

Habang kumakanta si Bea ay napansin ulit niya yung lalaking kumukuha ng litrato. At sa pagkakataong yun sigurado na siya na siya ang kinukuhaan ng larawan. “Bryan! Diba yan yung cashier sa paborito mong restaurant? May itsura pala siya pag hindi naka-uniform no? Saka may boses!” ang sabi ni Allen sa kaibigan. Ngumiti naman si Bryan at tumango at patuloy parin sa pag kuha ng larawan ni Bea. Pagkatapos kumanta ni Bea ay nagpasalamat ito sa mga nakinig at dali-daling bumaba ng stage.

Sa backstage…

Sinalubong agad siya ni Benj ng “Ayos ah! Improving ka infairness.” “Naman! Si Beatrice Valdez ata to.” sagot naman ni Bea. “Okay fine. Tara kain tayo. I’m sure gutom ka na!” yaya naman ni Benj. Pumayag naman si Bea dahil gutom na din ito. Nagbihis ng comfotableng damit si Bea at lumabas na rin sila ni Benj para humanap ng kakainan.

Sa kainan…

Papaupo na sila Benj at Bea nang mapansin ni Bea na nasa kabilang mesa lang pala si Bryan at Allen, ang magkaibigang madalas kumain sa pinapasukang Restaurant ni Bea. Ngunit hindi parin maalala ni Bea kung saan niya nakita si Bryan. Napatingin din si Bryan kila Bea. Nang napansin ito ni Allen, sinita niya si Bryan. “Bryan! Siya ba yung kumanta kanina? Iba nanaman itsura niya ah. Mas simple siya ngayon. Pero maganda parin” puna ni Allen. “Alam mo ikaw! Ang dami mong reaksyon. Kumain ka na nga lang. Kailangan pa nating bumalik dun oh!” sagot ni Bryan. “Kahit kalian ang KJ mo. Teka! Si Benj ba yun?” sabay tawag kay Benj. Naging magkaklase pala si Benj at Allen noong high school. “Benj! Dude! Ayos ah. Dito pa pala tayo magkikita.” bati ni Allen kay Benj nang lumapit ito sa kinauupuan ng dalawa. “Grabe! Napag-iiwanan mo na ko Dude! San mo nakuha yang muscles mo?” puna naman ni Benj. “Nadala ng climate change eh. Teka, Congressman na nga pala si Tito Philip. Asensado ka na talaga Benj! Tapos ang ganda pa ng girlfriend mo.” dagdag ni Allen sabay tingin kay Bea. Natawa naman si Bea sabay sabing “Naku. hindi po. Boss ko po yan.” at ngumiti si Bea. “Boss? ah teka. naka-order na ba kayo? Dun na lang kayo sa table namin para makapagkwentuhan tayo ng maayos” yaya naman ni Allen. Pumayag naman si Benj at naupo nga sila sa pwesto nila Allen at Bryan. “Benj si Bryan nga pala nameet mo na siya diba? Pinsan ko.” pakilala ni Allen kay Benj. “Ah. Oo. Kamusta na? Ah.. at si Bea nga pala. Kaibigan ko.” pakilala naman ni Benj. Nagkangitian sila Benj, Bea, Bryan at Allen hanggang sa nagka-kwentuhan. Nalaman ni Bea na sa Restaurant na pinapasukan niya pala nakita si Bryan. Ilang sandali lang ay tumawag na ang Ama ni Benj at nagyayaya ng umuwi. “Guys, kailangan na naming umalis. Tapos na daw sila Dad eh.” sabi ni Benj. “Ah sige. Kitakits na lang sa mga susunod na event. Tawag ka lang Dude!” sagot naman ni Allen. Tumayo na si Bea at Benj para lumabas ng biglang nagyaya si Bryan na magpapicture muna silang apat. Natapos ang pagpapapicture at umalis na sila Bea at Benj.

Sa sasakyan..

“Bea, ang galling mo kanina ah! Akala ko ba kinakabahan ka?” bati ni Cong. Philip kay Bea. “Naku sobra nga po yung kaba ko kanina Cong. Pero salamat po” sagot naman ni Bea. Hinatid nila Benj si Bea malapit sa bahay nito. Pababa na si Bea ng pahabol na sinabi ni Benj na “Pagong! Ingat.” sabay ngiti at sara ng pinto ng van. “Benj, may gusto ka ba diyan kay Bea?” tanong ni Cong. Philip. “Dad? Wala no. Alam niyo namang di tulad niya ang type ko.” depensa ni Benj. “Saka Dad. I like someone.” dagdag pa niya. “Who? Rachel? For me Bea is much better. Just saying Benj” sagot ng Ama niya. “Ok Dad. Enough of this.” patawang sinagot ni Benj ang Ama.

(Kinabukasan)

Sa Resto..

“Yes Ma’am! Here’s your change. Four-Hundred-fifty-eight-pesos. Thanks Ma’am! Come again!” sabi ni Bea sa kausap na customer. Umalis ang customer ng may ngiti sa labi. Tumalikod saglit si Bea para abutin ang ilang gamit at pagharap niya. “Good morning Bea! Can I have one 2 pcs. Creamy Cheese Pancake and a cup of caffee latte for dine.” ang bungad ni Bryan na nakangiti habang nakatingin kay Bea. Nagulat ng kaunti si Bea at ngumiti sabay sabing, “Good morning Sir Bryan! I’d want to repeat your order 2 pcs. Creamy Cheese Pancake and a cup of caffe latte for dine? Any additional Sir?”. “Ahm. Please add a sweet smile from a sweet girl. That’s all.” banat naman ni Bryan. Lalong lumalim ang ngiti ni Bea ng biglang bumulong sa likod niya ang katrabaho niya. “Ang sweet sweet ng umaga ni Bea. Sino nanaman kaya itong poging ito?” pabulong na sabi ni Rica. “Hi Sir! Here’s your other! One cup of caffe latte, 2 pcs. creamy cheese pancake and a sweet smile from a sweet girl” sabay turo kay Bea na halata namang ngiting ngiti sa mga pangyayari. At sino nga ba namang hindi matutuwa kung ang  isang tulad ni Bryan ang makikipag-usap sayo. Napaka-charming at napaka-galing talagang magsalita. Naupo si Bryan sa halos tapat ng pinagkakatayuan ni Bea. Nag-umpisa naring magtrabaho si Bea at hindi na niya napansin ang paminsan-minsa’y pagtingin at pagkuha ng larawan ni Bryan. Ilang sandali lang ay tumunog ang telepono ni Bryan. “Hello! Allen, nasan ka na? Hindi tayo pwedeng malate ngayon.” sagot ni Bryan kay Allen na kausap niya sa telepono. Habang kausap si Allen ay dali dali ng tumayo si Bryan at lumabas na ng restaurant. Napatingin naman si Bea kay Bryan habang nagmamadaling lumabas ito ng pinto ng mapansin ito ni Rica. “Bea, sino ba yung Mr. Pogi na yun? Bago mo bang manliligaw?” usisa ni Rica. “Hindi no, matagal ng kumakain dito si Bryan. Pero kahapon nakilala ko siya. Magkakilala pala sila ni Benj.” depensa ni Bea. “Malapit ka talaga sa mga gwapo. Una si Benj, tapos si Jason, tapos itong si Mr. Pogi. Nga pala, kamusta na si Jason?” tanong ni Rica. “Jason? magkikita daw kami mamaya. Medyo busy sa work at pag aaral eh.” sagot nanaman ni Bea. Hindi pa siya tapos magsalita ay napansin na ng manager nila ang pag-uusap ng dalawa. “Bea! Hindi ka pa ba mag-out? male-late ka na sa school mo.” puna ni Ma’am Lyn. Ang manager nila Bea at Rica. “Ay. Oo nga pala Ma’am. Sige po tapusin ko lang to tapos aalis na ako.” sagot ni Bea. “Okay sige!” sagot din ni Mam Lyn. Pagkatapos ni Bea sa ginagawa niya’y dali dali na itong nagbihis at umalis para pumasok sa eskwela.

Sa eskwelahan…

Dumerecho agad si Bea sa tambayan nila ni Jason. Bukod kay Benj si Jason ang pinakamalapit na lalaki kay Bea. Isa siyang mabuting kaibigan, at masugid na manliligaw ni Bea. Gusto nila ang isat-isa, ang mahirap lang sa panahong ito hindi sila madalas nagkakasama. Maagang nakarating si Bea sa Canteen na madalas tambayan nila ni Jason. Habang hinihintay niya si Jason ay nagbasa muna si Bea ng libro. Ang pagbabasa ang isa sa mga kinahihiligan ni Bea. Ilang sandali lang ay dumating na si Jason. “Bea, sorry late ako. Hindi ako nakalabas agad sa office.” paliwanag  ni Jason. Isa ring working student itong si Jason.“Okay lang. Sanay naman na ako eh.” nagtatampong sagot ni Bea. “Sorry na. Nagtatampo ka nanaman eh. Sorry na Bea ko.” suyo naman ni Jason. “ Hindi umimik si Bea. “Tara ilibre na lang kita ng ice cream.” yaya ni Jason. “Ayoko, malapit na klase natin. 10 mins. na lang oh.” Tanggi ni Bea. “Okay, sige. Ganito na lang. After na lang ng klase natin.” pilit ni Jason. “Okay sige.” sagot naman ni Bea na halatang nagtatampo parin kay Jason. At nagring na ang bell. Naghanda na papa-alis si Bea at Jason papasok ng kanilang klase. Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang klase ni Bea at Jason.

Sa canteen..

Habang kumakain sila ng ice cream, tahimik lang na nakaupo si Bea. “Bea,okay ka lang?” lambing ni Jason sabay akbay dito. “Oo naman. Okay lang ako. Ang sarap nga ng ice cream eh. Salamat ha!” sagot ni Bea. “Bea, Sorry talaga ha.” paulit na lambing ni Jason. Pinipilit ni Bea na maging okay pero nasasaktan siya sa kawalan ng panahon ni Jason sa kanya. Ngunit wala naman siya magagawa dahil mahal niya si Jason. At lalong wala siyang magawa dahil wala naman silang official na relasyon. Tinapos lang ni Bea kainin ang ice cream at nagyaya na itong umuwi. “Jason, uwi na tayo! Gusto ko na ring magpahinga eh.” yaya ni Beatrice. “Naku Bea! Sorry ulit pero kailangan kong bumalik sa office hindi na kita maihahatid.” sagot ni Jason. “ah ganun ba. O sige mauna na ako” paalam ni Bea na halatang dismayado sa ginawa ni Jason. Naglakad na palayo si Bea hanggang umabot na siya sa labas ng school nila.

Sa labas ng school…

“Bea! Bea!” sigaw ng isang babae. Yun ay si Jessa. Naging classmate at matalik na kaibigan ni Bea noong high school pa sila. “Jessa!” Pasigaw din na bati ni Bea. “Grabe ang tagal na nating hindi nagkita. “ dadag pa ni Bea. “Oo nga. It’s been years Bea. Super namiss kita. Dito ka ba nag aaral? Akala ko nagstop ka?” tanong naman ni Jessa. “Oo. Dito ako nag aaral. Blessing lang ni Lord kaya natuloy ako sa pag aaral. Binigyan kasi ako ng scholarship ni Congressman. Ikaw anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihing ditto ka din nag aaral?” tanong ni Bea. “Naku! Hindi. Dito kasi nag aaral yung boyfriend ko. I-surprise ko kasi siya. Hindi kasi niya alam na nandito ako.” sagot naman ni Jessa. “Wow! Pagkakataon nga naman. Baka kilala ko yung boyfriend mo. Anong pangalan?” natutuwang tanong ni Bea. “Ah.. name niya si…” nang biglang nagring ang phone ni Jessa.. “ah.. wait lang Bea. Tumatawag na xa.” ang sabi ni Jessa habang kinukuha ang cellphone nito sa bag. “Hi Honey! How are you?” sabi ni Jessa sa kausap niya. “Tapos na ba class mo? I want to surprise you kaya nandito ako sa labas ng school niyo.” lambing ni Jessa sa boyfriend niya. Ilang saglit lang ay ibinaba na ni Jessa ang phone sabay sabing, “lalabas na daw siya. Okay lang bang hintayin natin siya para maipakilala na rin kita?”. “Sure. Okay lang. Gusto ko din siyang makilala. Sayang ipapakilala ko rin sana sayo yung friend ko.” sagot ni Bea. “Friend? friend lang?” nang aasar na tanong ni Jessa. “Oo friend lang. Super close friend.” patawang sagot ni Bea. Nang ilang saglit lang ay. nakita na ni Jessa ang boyfriend niya. “Honey!” Sigaw nito sa lalaking papalabas ng gate ng school. Napatingin si Bea sa lalaki at nakita niya na ang sinasabing boyfriend ni Jessa at ang sinasabi niyang close friend niya ay iisa. Yun ay si Jason. 

Sa nalamang iyon ni Bea. Ano kaya ang mangyayari? Aaminin kaya ni Jason ang relasyon niya kay Jessa? Sino ang pipiliin ni Jason? Ang girlfriend ba niya? O si Bea na nililigawan niya? Sino ang naunang minahal? Masasagot lahat ng yan sa susunod na kabanata. 


Comments

  1. Oh my binitin pa. hahaha I was creating in my mind a college story, gusto ko kasing gumawa ng short film and the cast will be my classmates, kaso wala akong maisip na istorya wala talaga akong talent in terms of writing, hahaha maganda ung story ang sarap gawing sa video, (pwedeng hiramin ung story) hahaha

    kaso ang hirap ng settings! hahahaha MRT, sa RALLY, STAGE, BACKSTAGE at yung sasakyan ni Benj at CONG hahaha ang effort naman. pero nakakatuwa yung storya, aabangan ko yung susunod na kabanata! Iniisip ko lang kung si Bryan kaya o si Benj. hahaha baka si Allen!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. at pinagtyagaan mo talagang basahin to ha.. matagal ko ng sinulat to actually. late ko lang napost.. may part 2 na din kaso di ko pa nalalagay dito.. hahaha.. thanks sa pagbabasa.

      Sure pwede mong hiramin. Hingi lang siguro ako ng credits. hehe.
      as director pwede mo namang palitan yung settings/location. :D

      Wait mo kung sino sa kanila Benj, Bryan o Allen o bagong character pa. hehehe

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)