10 hours after my operation.

Wrote this blog last Oct. 17, 2012 few hours after my operation. Ngayon ko lang mai-popost. Hehe.



I can hear something inside of me saying “Grrruuggg…Grrruuggg…Grrruuggg…Grrruuggg…” Naaaaa…! Tiyan ko lang ata yun at nagpaparamdam na gutom na. Yes, gutom na siya. It’s been almost 23 hours na na wala akong kinakain na tunay na pagkain. Bakit? Fasting? Hindi naman. Walang pambili? Slight. Hahaha Ubos na pambayad ng hospital bills. 10 hours ago I had undergone operation. O diba! Taray lang. 10 hours ago pero eto na ako nagsusulat ng blog ko. Iba na talaga panahon ngayon Teki!!! Hahaha
Yung mga tao sa paligid ko halos isa lang tinatanong. “Okay ka lang ba? Masakit ba?” Ahhmm. Actually para lang kagat ng langgam. Mga langgam na kasing laki ng elepante. Hahaha Malamang masakit kasi kinalkal ba naman ng Doctor ang laman ko at dinukot ang 9 na bukol sa ibat-ibang parte ng dibdib ko. Malamang masakit. Hehehe. (oooppsss pasensya sa mga kumakain).


with my cousin Camille. Kalilipat ko lang nito from recovery room. : )

what a pose!! :))

comfort drink. dala ng mga cousin ko. :p

Bakit ko nga ba kinuwento tong experience kong ito?

Una, gusto ko muna magpasalamat sa mga taong tumulong sakin. Mga taong nakaramay ko sa mga sandaling kinailangan ko. (awww.. nagdadrama na ba ako?) Salamat sa magulang ko na full-support. Mama Bevs and Papa Nong, I love you. Sa relatives ko na nandiyan lagi para sa family namin ang Villafania at Domingo family. My sweet couz Camille and his hubby Gaetan, Kuya Bong, couz Kryzel and Ken at sa iba ko pang pinsan. Super thank you! Sa mga nakasama ko din beore my operation na pinatawa at pinagbantaan ako na pag di ako magising after operation eh patutulugin nila ako habang buhay. Hahaha Carlo and Patrick! Salamat mga brad! Sa J.I.L.-Ususan Family ko at sa J.I.L. U-belt friends din. Lalo na sa mga dumalaw sa bahay. Kuya Michael and the gang!! Hahaha (Ang dami niyo eh) Sa mga Pastors na nag-pray for me. (Deliverance at Salvation ata pinagpray nila. Haha) Sa friends, mga friends ni Mama na sumuporta samin kahit nasa ibang bansa sila. Siyempre sa mga Boss ko. Sir Tony, Ma’am Edna, Sir Rod, Sir Andrew at Sir Allen. Salamat po sa lahat ng tulong niyo. Sana po may trabaho pa akong babalikan. Hahaha. My Officemates! JULANT family! Salamat po. Mga Bebe ko. Jez, Mimay at Cindy! Kay Sissy Marielle! Thanks sa prayers. Siyempre, salamat rin sa mga Doctors ko na talaga namang hindi nila ako pinabayaan. Lalo na kay Dra. Kaw na umpisa pa lang ay inalalayan na ako. At hindi siyempre mawawala sa listahan ang Gospel Girls. Sa mga nagsend ng sweet text messages, FB posts and messages, tweets at siyempre emals. Salamat po! Kung may nalimutan po akong pangalan, organization at iba pa. Pasenxa na po! Hehehe (naturukan na ng anesthesia eh. hahaha) MARAMING MARAMING THANK YOU TO ALL OF YOU.

Tapos na ang thank you portion! Ngayon naman sa mga natutunan ko. Madami actually pero mag-iwan lang ako ng tatlo.

You will realize how blessed you are not just in times of wealth and health but clearly in times of need. Sa mga panahong ganito unang naiisip ng mga tao ay pera. Saan ka kukuha ng pambayad ng hospital, panggamot, at pangkain. Pero nakakagulat lang ang move ng Lord. Blessings just come in. Pinatunayan lang ng Lord ang pangako Niya sa akin. “The Lord is my shepherd. I shall not be in want.” –Psalm 23:1 Hanggang ngayon nganga parin ako sa pinakitang kabutihan ng Diyos sa akin. Kaya whenever we are in times of need, lagi nating isipin na hindi lang sapat kundi higit pa ang handing ibigay na biyaya ng Diyos sayo.

Always remember the joy of your salvation. I will be hypocrite kung sasabihin kung hindi ako natakot. (Oh. Mala Sec. Joel na banat. hehe) Fear of death almost put me to death itself. Nung nalaman kung may bukol ako sa breast, tuwing kakausapin ako ng Doctor, lahat ng lab test and ultra-sound. Yung process mismo nilalamon ako sa takot. Pero nung panahong yun isa lang ang gustong iparating ng Diyos sa akin. Thousand years ago, pinagtagumpayan na ng Diyos ang lahat! Jesus won it all! It is He who lives in me! I will not be moved because I have a Great God! “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I WILL FEAR NO evil, for you (God) are with me; your rod and your staff, they comfort me.”-Psalm 23:4"

Trust and embrace the will of the Lord. Madaming pangako ang Diyos satin. Hindi iyon mapapako kung hindi natin hahayaan ang sarili nating maging isang martilyo na sya mismong pupokpok o papako sa pangako natin sa Diyos. Remember? Tao ang nagpako sa Diyos. Kapag natutunan mong ipagkatiwala sa Diyos lahat wala kang magagawa kundi sumunod. Kaya kailangan nating magpaturo. Hindi madali. Pwedeng mahirap, mas mahirap o pinaka-mahirap na bagay ang darating sayo. Pero sa panahong yun saka mo makikilala ang Panginoon na hari ng mga Hari at Diyos ng Pag-ibig. Siya ay si Jesus Christ. Kaya sa mga taong di pa Siya tinatanggap bilang Diyos at taga-pagligtas, eto na siguro ang panahon. Mas gugustohin ko ng makagat ng langgam na kasing laki ng Elepante kesa mabuhay habambuhay sa impyerno.

“Surely goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the Lord forever.”- Psalms 23:6 


Yun lamang po!
Nagbabalik,


Comments

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)