Ang tanong: Bakit nung hindi pa ako Christian eh madaming nagkakagusto sakin pero ngayon na Christian na ako wala na?
Tagal na din na hindi ako nakapag sagot ng mga tanong. Pero eto sagutin natin ang problema ng isang namomroblemang kabataan. hehehe
Hi ate Jai! Itago niyo nalang po ako sa pangalang Shane. Nahihiya po kasi akong malaman ng friends ko tong problema ko.
Dati po kasi nung hindi pa ako active na Christian madami pong nagkakagusto sakin. Naka-ilang boyfriends na din po ako.Pero since nakilala ko po ng tuluyan ang Lord at tinanggap siya bilang Tagapagligtas 4 years ago hindi na po ako nakipag-boyfriend para po ma-preserve sarili ko sa lalaking pakakasalan ko. Pero ngayon po 22 years old na ako at may work narin kaya kahit papano po naiisip ko na pong magstart magpray ng Mr. Right sa buhay ko. Kaso lang po feeling ko walang nagkakagusto sakin unlike before. Para ngang minsan feeling ko pangit ata ako kasi yung ibang Christian Girlfriends kopag nagkakwentuhan kami may mga nagpipray na for them at may mga obvious na nagkakagusto sa kanila.
Ang tanong ko po ay bakit po nung hindi pa ako Christian ay madaming nagkakagusto sakin? At bakit ngayon na Christian na ako wala na po?Hi Shane! Salamat sa isang napakagandang tanong! Una sa lahat I want to say congratulations sa 4 years na pagsunod mo sa nais ng Lord sayo at feeling ko nasa MMK tayo dahil sa "itago mo na lang po ako sa pangalang Shane" sentence mo. Hahaha Anyways speaking of MMK (Maala-ala Mo Kaya) ng ABS-CBN, abangan natin ang susunod na episode dahil buhay ni Sec. Joel Villanueva ang kwento. Sa sabado yan! September 29, 2012. Wag palalampasin! Hehe. (Back to our topic) Ikalawa, hindi ka nag-iisa dahil madaming nakakaranas ng ganyan (at isa na ako dun. Hehe). At ikatlo, magkasing edad lang po tayo kaya okay lang na Jai lang tawag mo sakin. HahahaSo here is my answer:You are not “pangit’ girl! God made all things beautiful in His sight right? Hindi porket single ka pangit ka. At yan ang motto ko sa buhay na gusto kong i-share sayo at sa ibang single na nafi-feel nilang wala ng nagkakagusto sa kanila. We are even blessed dahil God is preparing us for the best things in life.God covers us with His “Veil of Love”. O diba may tawag talaga ako. Hehe. Once in my life kasi napatanong ako sa Diyos. Sabi ko nga hindi ka nag-iisa. Maging ako naranasan ko din yan. Akala ko walang nagkakagusto sakin. Kasi yung mga friends ko (halos lahat) may mga nanliligaw at nagpipray na,yung iba pa nga not just one but four boys ang nagpipray for her. O diba? Ang bongga niya. So I prayed to God. Sabi ko kay Lord bakit ganito? Bakit pag nag-uusap kami ng mga friends ko at napag-uusapan ang lovelife wala akong makwento. As in shut down ako.Pero alam mo, I felt God’s embrace that time at pagkapikit ko may nakita akong butterfly. Ang gulo diba? (pumikit ako tapos may nakita ako. Hahaha) Pero yun nga may nakita akong butterfly at napaisip ako.Dati nung hindi pa tayo nakakakilala sa Panginoon para pa tayong isang caterpillar, isang nakakadiring uod na nanguubos lang ng dahon. Pero nung tinaggap natin ang Lord at nagsimula tayong mapalapit sa Kanya, sa sobrang pagmamahal Niya satin, ayaw Niya tayong masaktan, kaya tulad ng isang Cocoon binalutan Niya tayo ng pagmamahal Niya,ng “Veil of Love”. Dahil sa Veil na yun nakatago tayo sa mga taong hindi pag-mamahalang nais satin. Matatanggal lang yung veil na yun kapag may isang tao na (or isang lalaki in your case) na lumuhod sa Lord para hingin ka sa Kanya at kapag ready na tayo. Pag kaya na natin. Tulad ng isang paru-paro nalilipad dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal ng Lord.
Hindi natin yun pwedeng madaliin.May tamang panahon ang Diyos. At kaya siguro pag may panahon na pinag-uusapanang love-life at wala tayong makwento eh gusto ng Diyos na iba ang i-kwento natin. Na i-share natin sa kanila na kahit single tayo mahal na mahal tayo ng Lord. At yun ang perfect Love Story! Yung mahalin tayo ng Panginoon.You may lose your focus. Kapag minadali natin ang lahat ng bagay pwede tayong ma-distract. Hindi dahil Christian kana ay wala ng nagkakagusto sayo. Kundi mas madami ang tunay na may gusto sayo ngunit isa lang ang laan talaga ng Lord. Ang tanong lang ay ready ka na ba talaga? Hindi madali ang pumasok sa isang relationship. Kailangan ready kana physically, mentally, emotionally, financially at lalo na spiritually. Kaya habang ni-reready ka ng Lord i-enjoy mo muna ang paging single. Have you serve God enough? Nagawa mo na ba lahat ng gusto mong gawin para sa Lord? Para sa pamilya mo? We need to think of these things first. Nagkaroon ka na ba ng sapat na oras para sa pamilya mo? Bakit ko tinatanong to? Kasi once na pumasok kana sa isang relationsip mas mababawasan na ang time mo sa kanila. Mahahati na ang oras mo. Kasi hindi lang pang-boyfriend o girlfriend ang isang relationship. Naniniwala kasi ako na ang girl and boy relationship must lead to marriage. Kaya before ka pumasok sa isang relationship dapat nag laan ka nang enough time sa family mo. At kung ang focus mo ngayon ay to serve God wag ka munang magdag-dag ng iba. Kasi darating naman ang tamang panahon para makilala mo ang kalooban ng Lord sayo.I just want to share to you this one part of the Bible na kung saan eh tinetest ni Satan si Jesus. Sa book of Matthew 4:1-11. Sabi dun sa last verses sa verse 8 “Again, the devil took him to a very high mountain and showed him all the kingdoms of the world and their splendor. ‘All this I will give you,’ he said, ‘if you will bow down to me,’ Jesus said to him, “Away from me Satan! For it is written: ‘Worship the Lord your God, and serve him only.”Baka sabihin mo anong ibig sabihin ng verse na to sa kalagayan mo. Think of this: Gaya ng ginawa ng kaaway kay Jesus, pwede siyang mag-offer ng mga bagay na gusto natin. Pera, magandang buhay o kahit love life para lang malihis ka sa tamang plano ng Diyos sayo. Kaya sa tanong mong “bakit po nung hindi ka pa Christian ay madaming nagkakagusto sayo? At ngayon na Christian ka na ay wala na?” It may be a deceit from the devil. Isang panlilinlang lang ng kaaway yun para malihis ang landas mo. Para ma-out of focus ka sa plano ng Diyos sayo. Kaya what you need to do is, gaya ng sinabi ng Diyos. “Worship the Lord your God and serve him ONLY.” Do not let distraction rule your life and FOCUS YOUR EYES ON JESUS.God’s standard is definitely different from the evil. Kaya nung hindi ka pa Christian ay madaming nagkakagusto sayo eh dahil yun ang standard ng mundo. Sabi nga kung ano ka yun din ang ma-aatract mo. Be thankful kasi hinuhubog ka ng Lord ngayon para pumasa sa standard Niya. Ayaw kasi ni Lord na maging basta basta ka lang. Ang gusto Niya magkaroon ka ng worth. Yun bang karapat-dapat para sa lalaking naghintay din para sayo. God is fair. Hindi Niya makakalimutan lahat ng ginawa at gagawin mo pa for Him.Learn to wait patiently. God is preparing you and what you need to do is believe. Trust God with all your heart, soul and mind. Seek Him even more and pray. Hindi masamang ipag-pray ang love life. Dapat nga kasama yun sa prayer list mo para hindi ka malayo sa nais ng Lord. And lastly, I want to share to you this wonderful word from the Lord in Isaiah 58:11 “The Lord will guide you always; he will satisfy your needs in a sun-scorched land and will strengthen your frame. You will be like a well-watered garden, like a spring whose waters never fail.”Yun lang po! Love God!J
"Then you will look radiant, your heart will throb and swell with joy.."
Isaiah 60:5
Jireh, Sabi nila may "sumpa" daw ang pagiging AYC, walang lovelife. hahaha. Tignan mo nung pinasa ko sayo, bumongga ang lovelife ko. hahahaha.
ReplyDeleteJoke lang. Very well said. Keep it up. Pero also spend time in meeting young men and establishing good friendship with them. Be open, especially nasa edad ka na rin naman. Who knows one of them will turn out to be the One.
sabi nila yun Kuya.. Naniniwala ako sa sinasabi ng Lord. hahaha.. hindi din ako naniniwala sa sumpa ng pagiging AYC kundi sa pangako lang ng Lord. haha
DeleteAnyway, wag ka mag alala kuya. Malapit na din ako dun. Hindi pa lang ako ready ngayon. Hehe. Saka madami naman akong single boy friends. Maybe one of them nga. Malay natin. :)
Thanks for being my Kuya.
:)