Normal na nga ba?


Minsan talaga darating ka sa puntong magtatanong ka. Ano ba talaga ang saysay ng mabuhay sa mundo? Meron akong mga nakilala, (madami sila) hindi pa alam ang sagot. Yun bang nabubuhay lang para mabuhay. Gumigising lang para magising. Ang gulo no? Pero yun naman daw ang karaniwang nangyayari sa buhay ng tao. Mga karaniwang bagay na minsan hindi na nakakatuwa. Isipin niyo na lang o tumingin tayo sa paligid natin at makikita natin ang mga bagay na naging "normal" na sa atin.



Normal na ang makakita ng halos hubad na larawan sa lansangan, sa pader, kahit nga sa 7 11 may FHM at Playboy na tinda. (napakasakit sa mata diba?)  At eto pa, nang makipagkwentuhan ako sa mga dati kong kaibigan, mas nagulat pa silang wala akong Boyfriend kesa sa kwenento ng isa ko pang kaibigan na buntis siya kahit labing-pitong taon pa lang siya. (ako pa tuloy ang nahiya) Meron pa, normal na rin sa ngayong makarinig ng mga malulutong na mura sa Telebisyon. Ayan tuloy mas una ng natututnan ng mga bata ang ganung salita kesa sa Abakada. Ano pang normal? Sirang pamilya, Hiwalay si Nanay at Tatay, Ate na maagang nag asawa, Kuya na lulong sa droga, si bunso na hindi tapos ng pag-aaral, samantalang dati sa teleserye lang eto nakikita. Eto na nga ba talaga ang NORMAL ngayon? 


Gaya nga ng tanong ko kanina, kung eto ang normal na sitwasyon ng buhay, “Ano pa ang saysay ng mabuhay sa mundo?” Ang sagot ko? Ang saysay ng mabuhay sa mundong ito ay yung sa kabila ng mga ganitong normal na pangyayari sa buhay, (paulit-ulit na ang “saysay at buhay” hahaha) handa kang maging abnormal para lang panindigan ang iyong pananampalataya.

Anong pananampalataya? Iyon ay ang mabuhay para sa Kanya. Para kay Hesus. Naniniwala ka bang masarap mabuhay pag kasama mo Siya? Ako “OO” paniwalang paniwala na. Kasi simula ng tinanggap ko Siya bilang Diyos at tagapagligtas ko ang normal sa akin ay yung maging masaya kahit na madaming problema, maging mapagmahal sa kapwa, maging mapagbigay sa nangangailangan at maging mabuting Anak sa aking mga magulang. (tanungin niyo na lang sila kung tama ba? Hahaha) At higit sa lahat, nagging NORMAL sa akin ang mabuhay ng may pag-asa. Pag asang bukas kapag nakaharap ko na Siya masasabi niya sa aking: “Anak, kahit abnormal ka sa paningin nila, normal ka naman sa aking mga mata.”  Ang sweet lang naman pakinggan nun galing sa Kanya.

Ang sarap mabuhay. Kaya kung ako sayo tangagapin mo na lang si Hesus bilang Diyos at taga pagligtas mo. Paano? Simple lang, pumikit ka. Humingi ng tawad sa lahat ng naging kasalanan at sabihin mo lang sa Diyos kung gaano mo kagustong mabago at mahalin Siya. Yun lang mga kaibigan. :)



Psalm 90:12
“Teach us to number our days, that we may gain a heart of wisdom.”

Comments

  1. nakakaiyak. Sana madami pang kabataan na tulad mo.

    ReplyDelete
  2. madami pa po yan at may mas mga nakakahigit pa. let's continue po to pray for the young people. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang Tanong: Mahal ko pa siya, bibigyan ko pa ba ng chance?

One Day Mission: Stylist and Make-up Artist

Star Magic Ball 2012 Top 10 (Female)