Liham para kay Juan
Eleksyon nanaman, handa ka na bang bumoto? Pero bago yun alam mo na ba kung sino ang dapat mong iboto? Mahirap no? Sa dami ng pangalan sa balota sino ba talaga ang trapo at sino ang dapat maupo? May anak ng politiko, anak ng artista, kapatid ng politiko, asawa ng politiko, pinsan ng politiko, ama ng politiko at kaibigan ng politiko. Sino sino nga naman ang magkakaroon ng interes sa politika kundi ang mga taong malalapit dito. Pero meron din namang mga bagong kandidato, hindi galing sa angkan ng politiko, hindi kilala kaya Naman sila'y nagpapakilala. Kaya ano nga ba talaga ang basehan para sa nag iisang boto natin? Kung ako ang tatanungin mo, bago ako boboto, iisipin ko muna ang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Ang kandidato bang ito ay magsisilbi para sa bayan o uupo lang para may tambayan? Ang tao bang ito ay may tunay na pakialam o siya'y wala naman talagang alam. Ang iboboto ko ba ay magbibigay inspirasyon sa mga taong limot na ng bayan, o ...