Normal na nga ba?
Minsan talaga darating ka sa puntong magtatanong ka. Ano ba talaga ang saysay ng mabuhay sa mundo? Meron akong mga nakilala, (madami sila) hindi pa alam ang sagot. Yun bang nabubuhay lang para mabuhay. Gumigising lang para magising. Ang gulo no? Pero yun naman daw ang karaniwang nangyayari sa buhay ng tao. Mga karaniwang bagay na minsan hindi na nakakatuwa. Isipin niyo na lang o tumingin tayo sa paligid natin at makikita natin ang mga bagay na naging "normal" na sa atin. Normal na ang makakita ng halos hubad na larawan sa lansangan, sa pader, kahit nga sa 7 11 may FHM at Playboy na tinda. (napakasakit sa mata diba?) At eto pa, nang makipagkwentuhan ako sa mga dati kong kaibigan, mas nagulat pa silang wala akong Boyfriend kesa sa kwenento ng isa ko pang kaibigan na buntis siya kahit labing-pitong taon pa lang siya. (ako pa tuloy ang nahiya) Meron pa, normal na rin sa ngayong makarinig ng mga malulutong na mura sa Telebisyon. Ayan tuloy mas una ng natututnan ng ...